Viral sa social media ngayon ang isang video kung saan naaktuhan ang pangongotong ng isang traffic enforcer.
Sa nasabing video, maririnig ang pag-uusap ng driver ng sasakyan at ng traffic enforcer.
Maririnig ang pagtatanong ng driver sa enforcer kung pumasok na sa account nito ang pera.
“Pumasok na sa GCash mo, sir?”
Bagama’t putol ang video at hindi nakuhanan ang buong pangyayari, tila mauunawaan na may kinalaman sa pagma-money transfer ang naging usapan nila.
Dahil nakuhanan ng video, mabilis na umani ng batikos ang nasabing pangyayari.
Narito ang komento ng ilang netizens (published as is).
“wow ang galing ng kotongan ngayon thru G cash na bawal na ang abot pera wahaaaa organize na kotong ngayon galing mag isip mg mga buwaya sa traffic wahaaaaa calling MMDA at mayor”
“Mas ok p mag bayad k nlng ng violation mo kaysa kunsintihin ang mali, oo alam natin maaabala ka pero nag violate tayo ng batas e harapin nlng natin”
“Level up na.. pala now. G cash to g cash na pangugutong. Hahaha galing pero mass magaling padin ung nag video hahaha viral ka ngayn”
“walang mangongotong kung walang mag papakotong”
“kung alam mong may violation patiket ka nalamg kesa ilaglag m ung taong pinakiusapan mo tpz lalabas sya pa mali pano kung mawalan yan ng trabaho at sya lang ang nagttrabaho sa pamilya ng traffic enforcer mapapakain m ba pamikya nyan.. maging fair tyo mga sir”
“Hanep upgraded na.Next time by ATM na ang transactions😂😂😂”
“Cashless transaction kasi pandemic😁😄🙃”
“Sa susunod baka bang transfer na yan. Hahaha”
”High tech na rin sila. pa-online online na.”
Kayo naman masyadong judgemental. Baka naman nagpa-load lang si kuya. Char!”
”Sideline lang daw ni kuya ang magpa-GCash. HAHAHA”
”Kung hindi pa nakuhanan ng video siguradong walang maaaksyunan.”
”Alam naman nating lahat na may ganyang kotongan. Pero ngayon lang siguro natin nalaman na high tech na rin sila. Hehe”
”Aware kaya si kuya na malalaman ang number at pangalan sa gcash?”
Panoorin ang nasabing viral video dito.