Pinatunayan ng isang 62-taong gulang na lola na hindi hadlang ang edad sa pag-abot ng pangarap.
Sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS sa Timoteo Policarpio Memorial School ay nakapagtapos si lola Josephine Amante Villatema.
Ayon sa interview ng GMA News sa kanya, sinabi niyang pinagsikapan niyang magtapos ng high school dahil pangarap niyang makapag-aral ng culinary arts sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.
Dahil sa nasabing balita, maraming netizens ang pumuri kay lola.
Ang ilan sa kanila ay nagsabing nagsilbing inspirasyon ang tagumpay niya upang patuloy silang magsikap sa pag-aaral.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“Ang edukasyon ay hindi nasusukat sa edad. Ito’y walang panahon at kahit sino ay pwedeng magtagumpay! Sumasaludo po sa iyo, Nay!”
“Congratulations po sa inyoooo๐ Indeed there is no age limit when it comes to pursuing your own dreams”
“Tama walang pinipiling edad ang edukasyon. Naranasan ko po na kwestyunin ang edad ko sa pagpasok muli sa kolehiyo. Dapat daw nagtatrabaho na ko kasi mid20s na(bata pa naman eh๐) natatawa nalang ako sa mga taong dinidiktahan ka pero sila hindi nila kayang diktahan sarili nila. SkL๐ Shout out sa mga taong yun!!”
“I am impressed! Malaki kayong encouragement lalo na sa akin ๐. Congrats po.”
“Wow congrats po nanay ๐๐ฅฐ๐ฅฐ isa ka pong inspiration sa amin na nag aaral sa ALS na makapagtapos din at maka graduate๐ This is it kahit mahirap ipagpapatuloy ko padin ang pag aaral kasi may pangarap ako ๐ Pangarap na grumaduate๐ฅฐ”
“Ngayon po ay lalong lumakas ang loob ko para tapusin din ang aking pag aaral. Proud ALS student๐๐”
“Ang namimili lang naman ng edad ay yung pinapasokan natin na trabaho jn sa pinas dapat wala din pinipiling edad pag dating sa trabaho anyway Congrats po”
“Sana dito sa bansa natin wla ring diskriminasyon pgdating sa trabaho,ung iba kasi idadown kna porket my edad na,just help them to be more productive and let them be as long as they can”
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! ๐
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily