Babae sa viral ‘Chickenjoy’ post, inulan ng batikos ng netizens

Naging trending topic sa Twitter ang Jollibee dahil sa isang kontrobersiyal na reklamo ng isang customer kamakailan.

Maliban sa Jollibee, napasama rin sa trends list ang pangalan ng brodkaster na si Raffy Tulfo.

Ito ay matapos na dumulog sa programa ni Tulfo si Angelique Reyes, ang customer na nag-post sa social media ng kanyang reklamo laban sa sikat na fastfood restaurant.

Screenshot: YouTube | Raffy Tulfo in Action

Matatandaang ipinost ni Angelique ang ilang larawan at video ng ‘fried towel’ na natanggap niya sa halip na fried chicken.

Mabilis itong nag-viral sa social media at naging sentro ng diskusyon ng publiko.

PHOTO: Facebook | Alique Reyes

Sa paglabas niyang ito sa programa ni Tulfo, tila nabaling na sa kanya ang atensiyon ng mga netizens.

Iba-iba ang naging reaksiyon at saloobin ng publiko tungkol sa ginawa niyang pagdulog sa sikat na programa na sumbungan ng publiko.

Bagama’t marami ang nagsasabi na karapat-dapat naman talagang ireklamo ang insidente, dapat daw ay sa pagitan na lang ng nagrereklamong customer at ng manager ng fastfood ang nangyaring pag-uusap.

Para sa ilan, hindi na dapat pang nakarating sa programa ni Tulfo ang usapin.

Narito ang ilan pang komento ng mga netizens:

“Huwes ba si Tulfo, o sanidad sa Taguig, o DTI, o awtoridad na puedeng bumawi ng lisensya ng isang kainan? Bakit sa kanya agad? Gustong magpa-media? Sabi nga, hilig makahanap ng instant parusa dahil sa fried tuwalya, pero ang korupsyon kinukunsinti kaya patuloy ito umiiral sa lipunan?”

Negligence po yan ng empleyado at hindi po c jollibee ang naglilinis. Sana kung gusto magkapera dun ka dumirekta sa jollibee. Pabida ka ein eh.”

“Sa branch manager ka mag reklamo hindi sa Tulfo .. Mag pa tulfo ka kung binaliwala ang reklamo mo .eh humingi namn agad ng paumanhin ang company papalitan namn.”

“Ang OA nmn nyn.. Tulfo agd??? Pbebe amp. Nobody’s perfect !!! Mas mgnda sna kng knaen mo n un .. Dp b sapat un pinost m n nga s social media… Iptulfo pa🥴 e d ikaw ang perfect👏🏻”

“pra sakin kc lht nmn ng bagay madadala s maayos n usapan. cguro kung hndi ngng mgnda ang pguusap ng mnger at ng girl cguro yn ung tym n dpat ngpatulfo xa.”

“Hindi ma dapt pa inilpit kay sir Idol..kung hinarap nmn sila mismo ng manager nung outlet,masydong pinlaki yung issue.saka tigilan n sana ang pagbabash at gawan ng mga memes”

“No need na ipatulfo pa. Oa na masyado.madadaan naman sa magandang pag uusap ng customer at manager ng jollibee ei about the incident.”

“Grabe po kung Tulfo agad,sa Jollibee nalng dapat nagreklamo.Wag na Kay Tulfo malban nalng naospital kayo dahil sa kinain nyo, Magreklamo kayo Kung Hindi kayo naasikaso or binalewala kayo.Ang kitid Ng utak baka nga sabotage pa yan.”

“Madaming restaurant Na ganyan o mas malala pa jan, dinaan lang sa magandang usapan pero di na dapat pina tulfo ganyan parang gusto lang sumikat eh”

“Nagviral na nga eh bakit papatulfo pa?!! Mayroon syang gusto kapalit at buong akala nya tutulungan sya ni sir raffy pero sad to say di na sya tinutulungan kasi May lawyer na daw sya”

Anong opinyon mo tungkol dito?

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!