Hinangaan ng mga netizens ang isang Grade 10 student na nakaipon na ng isang milyong piso.
Sa murang edad na 16, may sarili na siyang online business na personal niyang pinapatakbo at inaasikaso.
Sa GMA-7 morning show na “Unang Hirit,” ibinahagi ni Irish Oloris ang kanyang success story.
Maliban sa pag-aasikaso ng sariling online business, abala rin siya sa kanyang pag-aaral.
At sa edad nga niya na 16, naranasan na niyang kumita ng isang milyong piso sa loob lamang ng isang taon.
Mas maganda na po ‘yung mag-start ka nang maliit at mag-dream ka po nang malaki, para may (preparation) na rin po sa future.
Ang kanyang ipon ay ibinili na ng isang property sa Zambales.
Suportado siya ng kanyang ina na siyang tumutulong at gumagabay sa pagnenegosyo.
Ayon sa kanyang Mommy Irene:
“Kailangan magkaroon sila ng proper mindset in terms of business.”
“Syempre at her age, ‘yan ‘yung tipong kinikilig-kilig muna sa mga crush, di ba? ‘Dun muna sila mas nakaka-focus. Pero dahil nga sa nangyaring pandemic, nakita ko kasi ‘yung mga kabataan ngayon na yung medyo anxiety, depression, so iniba ko yung focus niya at in-introduce ko sa kanya yung business.”
“Huwag niyang kakalimutan kung saan siya nagsimula, at uunahan lagi si God at ‘yung laging pagtulong sa kapwa, kasi money follows na lang eh,” the mom said.
“Kapag ang goal niya is to help other people through her business, ‘yung money, talagang susunod at susunod.”
Nagpahayag ng paghanga ang mga netizens sa success story na ito.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Wow! Maganda talaga na habang bata pa lang ay natuturuan na sa buhay.”
“Good job! Sana maging wais ka pang lalo sa paghawak ng pera.”
“Noong nasa ganyang edad ako, naglalaro pa yata ako ng chinese garter.”
“Napapaisip tuloy ako kung nasaan ako at kung anong ginagawa ko nung 16 ako. Hehe”
“Pwede pautang? Char lang. 😂”
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily