Kamakailan ay kumalat sa social media ang larawan ng isang water dispenser na may nakadikit na katula na ikinagalit ng mga netizens.
Ang nakalagay kasi sa karatula:
For customers only, not for Food Panda riders.
Agad na nag-viral ang nasabing larawan at umani ito ng batikos mula sa publiko.
Base kasi sa larawan, tila pinagdadamutan ng inuming tubig ang mga food delivery riders.
Dahil dito, nakatanggap ng pambabatikos mula sa publiko ang may-ari ng nasabing food establishment.
Kaya naman nagdesisyon na ang may-ari nito na ipaliwanag ang kanyang panig hinggil sa issue.
Sa Facebook post ni Christos Agregado, ibinahagi niya ang ilang larawan ng conversation nila ng delivery rider at maging ang isang CCTV footage.
“Lumalaki na ang issue at masyado ng nasisira ang pangalan ng negosyo, dumadami nadin ang bashers ko hahaha”
“Nandiyan ang cctv ng rider na kumuha ng litrato, nasan ang nakakaawa diyan na uhaw uhaw dahil di naka-inom ng tubig? Pinagdamutan ba talaga?”
Ang hinaing niya ay naipakalat na ang larawan bago man lamang alamin ang buong katotohanan.
“Sana man lang bago mag share ng isang bagay ay yung buong katotohanan.”
“Makikita niyo na dinugtong nalang yung not for food panda dahil ilang buwan na din nakalagay na “for customers only” ngunit ang iba ay tila walang pakialam sa nakalagay na alam naman nilang may station inilaan sakanila. Makikita niyo sa cctv footage yung food panda napapasok sana dahil alam niya kung nasaan ang tubig ngunit may dagdag na sa nakasulat at kaya doon na siya kumuha sa station na nakalaan para sa kanila. Sa kanyang galaw alam niya kung saan dapat ang kanilang tubig.”
“Lahat tayo’y apektado ng pandemic, maging ang aming negosyo, nag cucut din kami ng expenses dahil hirap din ngayong pandemic at isinasaalang-alang din namin ang kaligtasan para sa lahat dahil maliit din ang dine in area sa loob upang di na pumasok pa ang mga rider dahil may oras na nagkakasabay-sabay ang mga order from food panda at ang dine-in customers.”
Nakatanggap man ng pambabatikos, nakiusap pa rin si Christos na wag nang i-bash ang delivery rider na kumuha ng picture at nag-post nito sa social media.
“Wag na lang ibash yung nag pic at post na rider. Gusto ko lang ishare ang side namin sa issue na ‘to.”
Bisitahin dito ang nasabing Facebook post.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily