Naka-graduate nang hindi humihingi ng baon.
Ito ang ipinagmalaki ng isang netizen maka-graduate sa kolehiyo matapos ang limang taon ng pagsa-sideline bilang isang jeepney driver.
Sa isang mahabang Facebook post, ibinahagi ni Marvin Padilla Daludado ang kanyang pinagdaan bago marating ang tagumpay na ito sa kanyang buhay.
Ipinost niya raw ang kanyang kwento upang kapulutan din ng inspirayon ng iba.
First of All i want to thank God sa pag gabay sa akin at salamat din sa aking mga magulang. After 5 years ng pagsisideline bilang Jeepney driver ay nakagraduate na rin.
Ibinahagi niya ang ilang hirap na pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lamang siya bilang driver.
Simula nung nag College ako wayback 2015 ay nagsimula na akong bumyahe at mamasada bilang isang jeepney driver. 17 palang ako nun.Nung una ayaw pa nun ng mga magulang ko mamasada ako kasi sobrang totoy ko pa non yung tipong hinahanap ng pasahero kung nasan yung driver dahil di nila ako makita at yung iba na matatanda ay natatakot at tinatanong kung marunong daw ba talaga ako mag drive at ang sagot ko opo takbong pogi lng po ako hahaha.
Ang kagustuhan niyang makatulong sa mga magulang niya pagdating sa gastusin ang naging dahilan ng pagpupursigi niya sa pamamasada.
Nagpursige akong mamasada dahil sa bigat ng tuition ko at yung hindi ko paghingi ng baon sa aking mga magulang at mga gastusin sa sa school like projects ay malaking tulong na para sa kanila at pag may sumobra pa sa aking kita ay sinasagot ko yung ibang tuition fees ko dahil di lng naman ako yung pinag aaral ng mga magulang ko.
Ibinahagi rin niya ang naging diskarte niya para hindi ma-late sa klase.
Masaya ako dahil sa ilang taon na pagsisideline bilang isang jeepney driver ay na enjoy ko naman. Although Mahirap din nung una dahil sagupa mo yung init usok sabayan pa ng traffic at tirik ng araw at kapag minalas malas kapa ay mahuhuli kapa .Pero salamat din sa mga traffic enforcer lalo na sa valenzuela na kahit minsan pasaway noon at puro shortcut ang ginagawa pag traffic dahil malalate na ako at minsan nakakapagsakay sa bawal ay napapakiusapan ko naman sila at napagbibigyan ako dahil sinasabi ko na kumukuha lng po ako ng pambaon sabay sasabihin nilang sige na malalate kana. Salamat po sa inyo mga lods.
Pinasalamatan din niya ang mga naging kasamahan niyang driver.
Salamat din sa mga nakakasabayan kong mga beteranong driver sa araw araw na pamamasada ,Sa pakikipagbakbakan pakikipagagawan ng pasahero dahil di rin ako nagpapaiwan sa kanila dahil sa ruta namin pag naiwan ka ay wala kang makukuha na pasahero.salamat sa inyo mga lods.
Ipinaabot din niya ang pasasalamat sa mga naging pasahero niya.
5 am ay bumabyahe na ako para may pambaon dahil may pasok pa ako ng 8am. At pag sinipag sipag at pag may school projects na kailangan pagkagastusan pagkagaling sa school ay pumapasada parin ako dahil kailangan.Salamat din sa mga naging suki na minsan inaabangan ako dahil di sila nalalate pag ako ang nasasakyan.Shout din sa mga pasahero na galit pa kapag sa tamang babaan ibinababa nagmumura pa minsan dahil malayo raw lalakarin nila tsktsk Godbless nalang sa inyo.Thank you rin sa mga naging kaibigan ,sa mga kakilala na naisakay ko sa mga nalibre ,Sa mga nakakwentuhan pati na rin sa mga nag 1123 na madalas kapwa ko pa studyante.
Bisitahin dito ang nasabing viral post.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily