Janice De Belen, nagsalita na tungkol sa “secret affair” umano nila ni Gerald Anderson

Sa latest vlog ng actor-manager na si Ogie Diaz ay nakapanayam niya ang aktres na si Janice De Belen hinggil sa noon pa napapabalitang relasyon umano nila ng aktor na si Gerald Anderson.

Sa video na ini-upload sa YouTube channel ni Ogie, muling naungkat ang nasabing lumang issue.

Matatandaang nang mag-guest ang aktres kamakailan sa ABS-CBN morning show na Magandang Buhay ay naitanong rin kay Janice ang nasabing issue.

Sinabi ni Janice na wala namang issue at talagang magkaibigan lang sila.

Matatandaang nagkasama sina Janice at Gerald sa Kapamilya teleserye na Budoy noong 2011-2012.

Si Gerald ang naging bida ng nasabing teleserye at si Janice naman ang gumanap na adoptive mother nito.

Noong mga panahong iyon unang lumutang ang intriga na nagkahulugan nga raw ng loob ang dalawa.

Sa interview ni Ogie ay hiningi nito ang reaksiyon ni Janice sa pagkaka-link niya sa mas bata sa kanya.

Malugod naman itong sinagot ni Janice.

It’s not nainis sa tsimis kasi habang nag-aartista tayo laging may posibilidad na mati-tsismis ka whether you like it or not. Ke maliit na bagay o malaking bagay, hindi mawawala ‘yun.

Nilinaw din niya na napikon din siya sa issue kahit paano.

I think mas napikon ako sa point na ipinipilit nila (mga tsismosa) na totoo!  ‘Yung mga pictures na inilalabas nila, mga pictures na kinukuha sa Instagram ko.  So, kung nagtatago ako, bakit ko ipo-post?  Di ba malaking katangahan?

Matatandaan kasing binigyan din ng malisya ng ilan ang mga larawan nila ng aktor.

Sa tanong naman ni Ogie kung hindi ba naramdaman ni Janice na nakakabata ang ma-link sa mas bata sa kanya.

 Walang ganun.  Never ko siyang naisip at never ko ring naramdaman.  For me it was more, ‘hay mawawalan na naman ako ng friend.’

Ikinuwento rin niya na nagkataon na hindi rin sila nagkikita ni Gerald lalo na noong nagsimulang pumutok ang issue.

Mainit pa (that time ang tsismis).  For sure pag nagkita kami ulit, we’re always be the same people.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: