Hindi ikinatuwa ng mga Pinoy ang ginawang paglalarawan ng isang Filipino-Norwegian chef sa pagkaing Pinoy.
Guest sa isang Norwegian TV show ang chef na si Jonathan Romano nang tanungin siya tungkol sa Philippine traditional food.
Kilala si Jonathan bilang sushi chef, restauranteur, at judge sa MasterChef Norway.
Inilarawan niya ito sa salitang Norwegian bilang “darlig mat” o bad food.
Bagama’t nasa Norwegian language ang nasabig TV show, nilagayan ng English caption ang clip ng kanyang interview.
Ganito ang translation ng naging sagot ni Jonathan.
It’s very bad food. In the eyes of a chef, there is no food art in my eyes, unfortunately.
Hindi pa siya doon huminto at ipinagpatuloy ang panlalait sa pagkaing Pinoy.
Lots of deep-fried, lots of fried-to-death stuff like casserole dishes. If you can put it that way, they do not have the same taste composition as Thai food. Filipino food is more on the sour side.
Ini-upload ang nasabing clip sa Facebook page na NordicPinoy at agad umani ng mga negatibong komento mula sa mga Pinoy.
Narito ang ilan sa mga komento.
“So sad, for sure during your younger years, u where not able to dine in a good filipino restaurants here in the Philippines or maybe your family really can’t cook, or maybe your family doesn’t have ingredients to cook delicious pinoy food that is why wala kang alam about how delicious ang pinoy food.”
“ito yung taong parang Langaw na pumatong sa Kalabaw”
“G*go ka.. parang sinabi mo na isa kang puti pero dapa ilong mo at kayumangi ang kulay mo. Sh*me on you.. you must be declared persona non grata in the Philippines. Mga kababayan natin they gave their best effort to promote Filipino food, tapos isang saglit mo lang sinira ang lahat.”
“Releasing a statement that you grew up in the Philippines, sorry but you dont understand Filipino cuisine, you are criticizing our culture. Such a shame Jonathan Romano”
“eto yung langaw na nakatikim ng malaking norwegian sausage ay minaliit na niya ang longganisa. hindi mo lang nagustuhan ang mga lutong pinoy dahil masamang magluto ang nanay mo. sh*me on you!”
“Dito ka sa pinas pinanganak dont say shit like that on national tv. And expect to get away with it. Sikat ka na ngaun boy congrats”
Maging ang Filipino Community sa Norway ay nadismaya sa ginawang paglalarawan sa pagkaing Pinoy.
Naglabas sila ng official statement sa pamamagitan ng isang Facebook post.
In reference to the viral story in the Filipino Community in Norway this week, attached is the message from Filcom Norway.
Maging ang Philippine Embassy sa Norway ay naglabas ng pahayag hinggil sa issue.
Whoever says Philippine cuisine is “dårlig mat” should definitely visit the Philippines to discover and rediscover the richness, freshness, and regional variety of Filipino food.
Hinikayat nila ang pagbisita sa Pilipinas para mas makilala ang Pagkaing Pinoy.
Filipino food across the country’s 7,641 islands have different flavors and colors, and influenced by the Philippines’ natural resources, culture, and history. Filipino food also reflects the sharing attitude and generosity of Filipinos. You can never leave a Filipino home without being invited to share a meal.
Samantala, naglabas na ng pahayag si Jonathan kaugnay ng mga nasabi niya sa TV show.
I apologize for the words that came out on my TV appearance lately. Everything came out of context and I am so sorry. I am an educated chef with long experience and was just giving my subjective opinion. Of course, I like Filipino food and would not badmouth without backing it up.
Sinabi niyang mahal niya ang bansang Pilipinas.
I am born in the Philippines in Manila and pay my visit there over 30 times and of course, I love my country.
However, I will admit that my mother can’t cook.
Humingi siya ng paumanhin sa mga nasabi niya.
For all of you who know me and support me as well, please forgive my statement. And for the rest of you badmouthing me, I am so sorry! I am going to enjoy adobo and halo-halo today and reflect this incident. Bayang magiliw.
* * * * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts! 😍
Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily
Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily