Mother’s Day surprise gone wrong: ‘Pera na, lumipad pa’

Viral sa social media ngayon ang isang Facebook post tungkol sa nangyaring aberya sa isang Mother’s Day surprise.

Sa post ni Lea DaVinci Buan Carlos, makikita ang isang video kung saan binuksan ng isang nanay ang isang kahon na regalo sa kanya sa pagdiriwang ng Mother’s Day.

PHOTO: Facebook | Lea DaVinci Buan Carlos

Ang kahon ay isang surprise box na nauuso ngayon kung saan may lobong nakapatong sa isang kahon at kapag tinanggal na ang pagkakatali ng lobo ay kusa nang bubukas ang kahon.

Sa pag-angat ng lobo ay kasama rin sanang aangat ang mga pera na nakakabit naman sa mismong lobo.

PHOTO: Facebook | Lea DaVinci Buan Carlos

Ngunit dahil ginawa ang pag-surprise sa labas ng bahay, tuloy-tuloy na umangat ang lobo at lumipad sa ere kasama ang pera na sana ay sorpresa para kay nanay.

PHOTO: Facebook | Lea DaVinci Buan Carlos

Wala nang nagawa ang nanay kundi ang tumingala sa langit at sundan ng tingin ang lumipad na sorpresa.

PHOTO: Facebook | Lea DaVinci Buan Carlos

Agad nag-viral ang video sa Facebook at humakot ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa mga komento.

“Literal na, pera na.. Lumipad pa. 😂 sorry, natawa po talaga ako sa reaction ni Mother. Happy mother’s day.”

“Lobo natural lilipad bat d nilagyan ng pabigat… or tali..”

“tutu ya pala itang kanta…”ako ay may lobo. 🎈lumipad sa langit..diko na nakita.. 😑 sayang ang pera ko …” 🎵🎶”

“okay sana if indoor and di masyado high ceiling. pero sa outdoor, tapos matanda pa bibigyan? masasayang lang talaga liliparin lang.”

“nalungkot nman ako para kay mother huhu ayyy”

“Sana mapanood ang vedio nto ng mkapulot kung pumotok yong balloons at masauli kay nanay ang gitf ng mga ank nya, sana umiral pRin sating mga pinoy ang ugaling npakabuti”

PHOTO: Facebook | Lea DaVinci Buan Carlos

“ung ribbon 🎀 Lang kasi talaga ang regalo kay nanay 😅🤣😜✌✌✌BTW happy Mother’s day po sau nanay”

“Fly high😂sayang”

“Dapat kasi tinatalian niyo sayang Yung pira”

“Hindi n ko magtataka pag umulan ng pera 🤣🤣 kakapalipad nila.. Sna d2 bumagsak”

“Dpat fake nlng ang nkakabit na pera at ung real nanpera nsa ibaba lng hnd nka dikit sa balloon..hehehe sayang pera”

“kung gagawa kyo ng maney baloon. dapat my tali kyo na medyo mahaba. ng di nasasayang. btw. swerte naman nung makaka pulot nun pag putok”

“Bubu nmang mga anak yan..hinayang lng ang matanda”

“Ang makapulot non mother rin sa sana”

“Okay lng malipad sinadya para may maka pulot yung tao nangangailangan”

“may mas nangangailangan ng pera.wag npo manghinayang sadyang para sa iba un.”

Sa sumunod na post, ipinaliwanag ni Lea na prank lamang pala ang nangyari sa sorpresa.

Ang lumipad palang pera ay peke lamang at kasama sa surprise.

Ibinahagi rin niya ang larawan ni nanay na may hawak-hawak na totoong pera na.

Mukhang hindi lang si nanay ang na-prank kundi pati na rin ang mga netizens na nanghinayang sa lumipad na pera.

PHOTO: Facebook | Lea DaVinci Buan Carlos

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: