Community pantry na may kakaibang hirit, patok sa mga netizens

Nag-viral ang isang community community sa Silang, Cavite dahil sa kakaibang paandar nito sa mga ipinamimigay na mga groceries at iba pang pagkain.

Sa post ni Marvin Garcia, ibinahagi niya ang ilang larawan na kuha sa nasabing community pantry.

Ikinuwento rin niya na naisipan nilang lagyan ng kakaibang mga paalala ang pantry.

Nag-isip sila ng kakaibang paraan kung saan hindi mao-offend ang mga kukuha.

Para lang po talaga magpaalala sa community na kumuha lang ng kailangan. Para mabigyan ‘yong iba. Limitado rin naman po kasi ‘yong pondo para po magkasya sa lahat. Naisip namin funny and witty signs para hindi naman po nakaka-offend. Pero still ‘yong message naiparating namin sa kanila. Nakikinig naman po ang tao. Natatawa nga po sila kapag nababasa nila.

Isa kasi sa mga pangunahing concern ng ilan ay ang pangunguha ng maraming supply ng iba na baka maubusan na ng supply ang iba pang nakapila.

Ang bawang ay nilagyan ng karatula na may nakasulat na:

Isa-isa lang po sa bawang, hindi po totoo ang aswang.

PHOTO: Facebook | Marvin Garcia

Maging ang itlog ay may karatula na may nakasulat namang:

Kumuha lang ng pang-umagahan, hindi ng pang-leche flan.

Matatandaang kamakailan lamang ay may nag-viral ding grupo ng kababaihan sa isang community pantry sa Pasig City kung saan nakuhanan sa CCTV ang panlilimas nila ng supplies sa pantry kabilang na ang dalawang tray ng itlog.

PHOTO: Facebook | Marvin Garcia

Ang asukal naman ay may karatula na:

Isang pack lang ng asukal, mahal ang insulin.

PHOTO: Facebook | Marvin Garcia

Pati de-lata ay may nakalagay na paalala:

Isa-isa lang ang de-lata, upang di masira ang abrelata.

PHOTO: Facebook | Marvin Garcia

Sa ketchup naman ay may nakasabit ding karatula.

Kumuha ng pangsawsawan, di pang-spaghetti.

PHOTO: Facebook | Marvin Garcia

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!