Humingi ng saklolo sa sikat na brodkaster na si Rafyy Tulfo at sa programa nitong Raffy Tulfo in Action ang isang ginang na umano’y ipinadampot ng MSWD sa kanilang lugar sa Alabat, Quezon.
Ito ay may kinalaman umano sa isang Facebook post ni Magelyn Collado kung saan nagtatanong lamang siya tungkol sa ayuda na hindi pa niya natatanggap hanggang sa ngayon.
Sa nasabing Facebook post, tinawag ni Magelyn ang pansin ng mga kinauukulan tungkol sa ayuda na hindi pa natatanggap.
Narito ang kabuuan ng post (published as is):
Bakit pinapatagal pa Ang SAP na yan dipa ipamigay, Ang Sabi pa depende daw Kung nakakatanggap pa? Ano yon? Di nyo pera yan mga buwaya talaga kayo….Kaya pala inuna nyo bang bigyan Yong mas mga nakakaangat Ang pamumuhay, kaming mga isang kahig isang tuka Ang di nyo binigyan baka Naman magtae kayo nyang pera namin bigay sa Amin yan NG gobyerno, wag nyong ibulsa.
Ayon kay Tulfo, wala naman siyang nakikitang mali sa nasabing Facebook post lalo na at wala namangng binaggit na pangalan ng tao o ahensiya ng gobyerno sa post ni Magelyn.
Sa kuwento ng ginang, ipinasundo umano siya ng MSWD sa pulis kung kaya’t napilitan na siyang sumama.
Isinumbong niya kay Tulfo na sinabihan siya ng MSWD officer na nakilalang si Connie David na burahin na lamang ang nasabing Facebook post at mag-public apology.
Ang katwiran naman ng MSWD, inimbitahan lamang daw nila si Magelyn.
Ayon naman kay Tulfo, mali pa rin ang ginawa nilang pag-imbita kay Magelyn dahil lamang sa pagtatanong nito dahil totoo namang wala pang natatanggap ang ginang.
Pinangaralan din ni Tulfo ang pulis na si PSSgt. Juliet Barretto dahil sa ginawa nitong pagdampot kay Magelyn dahil na rin sa utos ng MSWD.
Ipinagdiinan ni Tulfo na walang nilabag si Magelyn at wala rin namang warrant na maipakita laban sa ginang para damputin na lamang at dahin sa kung saan.
Humingi ng paumanhin kay Magelyn ang pulis at ang MSWD officer.
At dahil wala pa ngang natatanggap na ayuda, sinabi ni Tulfo na padadalhan niya ng PHP10,000 si Magelyn upang may perang panggastos sila ng kanyang pamilya.
Panoorin ang kabuuan ng episode ng programa ni Tulfo dito.