Isang video ang nag-viral sa Facebook kung saan makikita ang pag-aresto ng dalawang unipormadong pulis sa isang lalaki sa Angeles City, Pampanga.
Ang nasabing pag-aresto, isa lamang palang prank at ang lalaking inaresto na nakilalang si Paul Sun ay kasabwat pala ng mga pulis sa ‘pambibiktima‘ sa mga kasamahan nito.
Sa video, makikita ang pagdating sa lugar ng dalawang unipormadong pulis sa lugar.
Makikita rin ang ilang tao na nag-uusap-usap na nasurpresa sa pagdating ng mga pulis.
Nang tangka nang aarestuhin ang lalaki, umarte itong nagpupumiglas at lumalaban sa pag-aresto.
Dito na nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa mga kasamahan ng lalaki.
Isinakay ng mga pulis sa patrol car ang inarestong lalaki at sa pagpapatuloy ng video, dito na nalaman na kasabwat lamang pala siya ng mga pulis.
Ibinalik din ang lalaki sa lugar kung saan ibinulgar nang ‘prank‘ lamang ang pag-aresto.
Panoorin ang buong video dito.
Samantala, hindi ikinatuwa ng punong lungsod ng Angels City ang nasabing video.
Agad ipinag-utos ni Mayor Carmelo Lazatin, Jr. na i-relieve sa pwesto ang lahat ng pulis na naka-assign sa Angeles City Police Station 5.
Sa liham nito kay Col. Rommel Batangan, police chief ng Angeles City, sinabi ng mayor na hindi katanggap-tanggap ang pagsali ng mga pulis sa nasabing prank.
For more than an entire year, members of our community have tirelessly complied with community quarantine measures, ‘stay-at-home’ orders, and strict public health protocols, all in a bid to slow down the spread of the virus. It is simply unconscionable that personnel from the Angeles City Police Office (ACPO) would participate in such nonsensical activities.
Dahil din dito, ipinasara na rin ng city hall at sinuspinde ang permit to operate ng music studio kung saan ginawa ang nasabing prank dahil sa paglabag sa mga health protocols gaya ng social distancing, pagsusuot ng face mask at pagbabawal sa mass gathering.
Kasalukuyan pa rin kasing nakasailalim ang lalawigan ng Pampanga sa MGCQ o Modified General Community Quarantine kung saan may ipinapatupad na liquor ban at curfew mula 10:00 PM hanggang 5:00 AM.
Samantala, sa pamamagitanng isang video na ini-upload sa Facebook page ng SY MUSIC Entertainment, nanghingi na ng paumanhin ang inarestong lalaki sa prank video na siya rin palang manager ng SY Entertainment na si Paul Sun.
Please understand my apology without prejudice as a foreigner.
Nagpakumbaba ito at inako ang lahat ng responsibilidad sa nangyaring insidente ng ‘prank video’ noong April 1.
Hindi umano naisip at naikunsidera ang health protocols na ipinapatupad sa lugar.
We are sincerely apologizing to our audiences and every Filipino.
Humingi rin ito ng paumanhin sa city mayor at sa mga kapulisan, maging sa mga pamilya ng mga ito.
Nagpaumanhin din ito sa mga talents at staff ng music studio na nadamay ang trabaho dahil sa prank video.
Nakahanda rin umano itong humarap sa naumang kaparusahan na maaring idulot ng insidente.
Panoorin ang buong video dito.