Viral ngayon sa Facebook ang video ng isang babaeng motorista sa Sta. Rosa, Laguna.
Sa post ng Facebook page na TOTOY N3GGA, makikita ang isang babae na sinisita ng mga kawani ng City Traffic Management and Enforcement Unit (CTMEU) dahil sa mga paglabag nito sa guidelines kaugnay ng ipinapatupad na ECQ o enhanced community quarantine sa lugar.
Matatandaang isa ang Laguna sa muling isinailalim sa ECQ mula noong March 29 kasama ang buong Metro Manila, Bulacan, Cavite, at Rizal.
Ito ay dahil na rin sa patuloy na tumataas na bilang ng kaso ng C0VlD-l9 sa mga nabanggit na lugar.
Kaugnay nito, mas pinaigting ang mahigpit na pagpapatupad ng mga basic health protocols kabilang na ang social distancing, pagsusuot ng face shieId at face m*sk, at iba pa.
Sa kaso ng nasabing babae sa video, makikita na wala itong suot na face m*sk na isang violation sa ipinapatupad na ECQ guidelines.
Wala rin itong suot na protective motorcycle helmet na isa ring paglabag sa Motorcycle Helmet Act of 2009.
Nang sitahin ng CTMEU personnel, wala ring maipakitang driver’s license ang babae at naiwan umano nito sa kanilang bahay.
Isa pang violation nito ang paglabag sa Land Transportation Office Administrative Order hinggil sa pagbabawal sa pagmamaneho ng motorsiklo nang nakayapak, nakatsinelas, o sandals. Bawal din ang pagsusuot ng shorts kapag nagmomotorsiklo.
Makikita sa video na kuha ng CTMEU na nakasuot ng shorts at tsinelas ang babae.
Dumating ang isang rumespondeng police officer sa lugar at inalam ang pangyayari.
Kalaunan ay isinakay sa patrol car ang nasabing babae upang dalhin sa presinto.
As of this writing ay mayroon nang 4.6 million views ang nasabing video.
(Mapapanood ang viral video dito.)
Umani ito ng samu’t saring komento mula sa mga netizens.
Ang mga katulad raw ng babaeng ito ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng C0VlD-l9 sa lugar.
Ang simpleng pagsunod lamang daw sa mga patakaran ay malaking bagay na upang makatulong sa patuloy na pagkalat ng virus.
Anong masasabi mo tungkol dito?