Nag-viral sa social media ang isang video kung saan makikita ang paghuli ng mga barangay tanod sa isang estudyante na kukuha lang ng food delivery sa labas mismo ng kanilang bahay sa Quezon City.
Agad nagdesisyon ang estudyanteng si Lj Cabangis na mag-Facebook Live upang maipakita ang kasalukuyang nangyayari noong March 29.
Ang bungad ni Lj sa kanyang video:
Ito hinuli ako ah. Nandon lang ako sa tapat ng bahay ko kinuha ko lang yung Grabfood.
Pasado alas-10 ng gabi nang mag-video siya pagkatapos siyang damputin ng mga tanod.
Ang katwiran ng mga tanod, bawal nang lumabas ng bahay pagsapit ng alas-6 ng gabi dahil sa ipinapatupad na curfew hanggang als-5 ng umaga.
Giit naman ni Lj, lumabas lang siya ng bahay para makipagkita sa food delivery driver na maghahatid ng inorder niyang pagkain.
Ipinakita rin niya sa video ang pagkaing inorder mula sa isang kilalang fastfood.
Ang katwiran naman ng mga tanod, malayo umano si Lj sa kanilang bahay kung kaya’t dinampot ito.
Aminado naman si Lj na naglakad lang siya nang kaunti dahil hinahanap ang delivery rider.
Sa huli, pinakawalan rin siya ng mga awtoridad.
Sa kabila nito, may mga hinaing si Lj sa mga barangay tanod.
Minura ako, aambaan pa ako.
Nai-report na rin niya sa pulisya ang nasabing pangyayari.
Ayon naman sa barangay ay iimbestigahan ang pangyayari upang malaman ang mga detalye at matukoy kung sino ang may pagkakamali.
Panoorin ang nasabing video dito.