Babae na nagtanggal ng face mask at face shield sa MRT para mag-selfie, ipinapahanap na

We deem the passenger’s action not only reckless and insensitive, but also posed a possible threat to the health of her fellow passengers. We condemn such wanton disregard on these health and safety measures.

Ito ang naging pahayag ng Department of Transportation-MRT3 (DOTr-MRT3) sa kanilang Facebook page kaugnay ng isang viral video na nai-upload sa social media.

Hiningi din nila ang tulong ng publiko upang matukoy ang pagkakakilanlan ang babaeng nasa video.

We now ask the public’s assistance for information to identify the woman on the video, for investigation and filing of appropriate charges due to violations of the public health and safety protocols.

Makikita sa nasabing video ang isang babaeng pasahero ng MRT3 na nagtanggal ng face mask at face shield para lamang mag-selfie.

PHOTO: Facebook | Jhona Sy

 

Bagama’t sinita at sinabihan na ang naturang babae ng kapwa nito pasahero na ibalik ang suot na face mask at face shield, hindi agad ito sumunod at ipinagpatuloy ang pagse-selfie.

Iimbestigahan din umano ng pamunuan ng MRT3 kung nagkaroon ng kapabayaan ang marshall na naka-duty noong panahon na iyon kaya hindi agad nasita ang nasabing pasahero.

PHOTO: ABS-CBN News

Muli nilang pinaalalahanan ang publiko sa ilang alituntunin para sa mga pasahero ng tren.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

  1. Laging magsulot ng face mask at face shield.
  2. Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono.
  3. Bawal kumain.
  4. Laging panatilihin ang sapat na ventilation sa mga PUV.
  5. Laging magsagawa ng disinfection.
  6. Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng virus sa pampublikong transportasyon.
  7. Laging sundin ang panuntunan ng physical distancing.

Samantala, as of this writing, mayroon nang mahigit 2K shares ang nasabing viral post.

Panoorin ang nasabing video dito.

Anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!