Viral ngayon sa Facebook ang isang post tungkol sa isang 4-anyos na bata na nasawi matapos makalunok ng candy.
Sa post ni Julieann Nayre Qurioz, pinaalalahanan niya ang mga magulang na huwag kalimutan ang paggabay sa mga anak.
Ikinuwento niya ang nangyari sa kaniyang pamangkin na nawala sa isang iglap lamang.
Nakalunok umano ito ng isang “chewy candy” na nagdulot fito ng hirap sa paghinga.
Sinubukan pa raw na i-revive ang bata ngunit hindi na naisalba pa dahil kinailangan pang isailalim muna sa swab test at hintayin ang resulta ng nasabing test bago asikasuhin sa ospital.
Narito ang buong post ni Julieann (published as is):
To all parents po be aware po tayo sa mga anak naten lalo na po yung maliliit pa kailangan po nila ng gabay ! !dinamin inaasahan nang dahil sa sa isang iglap lang po mawawala sya hindi na kinaya ng pamangkin kung 4years old ang mabuhay nalunok nya deretyo yung Chewy candy ( for clarifications po hindi po pda jelly ace sorry po ) nahirapan na po syang huminga tinary nila irevive pero hindi na po talaga na agapan gawa ng sinwabtest dw muna at inantay ang result ng hospital Ng baybay Leyte bago asikasohin emergency Naman po Yun sinabe Naman po kung ano nakalunok ng bata!Rest in Paradise baby kerker ! lagi mong iguguide ang mga kapatid mo at 1010 lola pan papa mo… napakalambing mo panaman dw na bata sa 1010 at lola mo pan sa papa mo Rickeankier Kiid Kiid pakatatag ka po dito Lang kami pamilya mo !Hindi ko po Alam Kung pano po ako makakatulong sainyo kuya nakikiramay po kami na nandito sa Cavite! kahit nasa malayo po kami ramdam namin ang lungkot na biglaan syang kinuha ni god ang bata pa nya pero kailangan nating tangapin!
As of this writing, mayroon nang 56K shares ang nasabing post.
Sa ulat naman ng GMA News, nakilala ang biktima na si Kier Cyrus Nayre na taga-Baybay City, Leyte.
Ayon sa lola ng bata, ang candy na naging sanhi ng pagkamatay nito ay paborito at lagi namang kinakain ng biktima.
Base rin sa kwento ng pamilya ng biktima, nakaligtas pa raw sana si Kier kung naasikaso lang kaagad ng dalawang ospital na pinagdalhan sa bata.