Nagbigay ng komentaryo ang showbiz columnist na si Cristy Fermin tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng komedyanteng si Dennis Padilla kamakailan.
View this post on Instagram
Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang paglalabas ng hinaing ng komedyante nanag aniya’y makalimutan siyang batiin noong Father’s Day ng mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia, at Leon.
RELATED STORIES:
- Dennis Padilla, may hinanakit sa mga anak na ‘dinedma’ siya noong Father’s Day
- Julia Barretto, binatikos ng ilang netizens matapos mag-viral ang post ng amang si Dennis Padilla
Sa kaniyang online show na Showbiz Now Na, nagbigay ng kaniyang opinyon si Cristy.
“Hindi nga kailangan magsalita ng ina e. Ako kukunin ko na ‘yung pagkakataong ito, ilalatag ko ‘yung sarili ko bilang ang mga anak ko ay ako lang ang kasama.
“Ako ‘yung nanay, ako ‘yung tatay. Alam ng mga anak ang nagaganap sa bahay araw-araw.
“Alam ng mga anak kung nagbibigay ng sustento o hindi ang kanilang tatay.
“Alam ng mga bata kung kahit singkong duling may nakakarating sa nanay nila kapag nangangailangan ng panggastos ang mga anak.”
View this post on Instagram
“Alam ko na alam ni Julia, ni Claudia saka ni Leon na walang sustentong ibinibigay si Dennis.
“At ‘wag kwestiyonin ang sustento.
“Anak niya kay Marjorie ‘yung tatlo, nagkahiwalay man, dapat may pananagutan pa rin siya, may reponsibilidad pa rin bilang ama.”
RELATED STORIES:
- Leon Barretto sa amang si Dennis Padilla: “Mas importante ba sa ‘yo ang simpatiya ng publiko…?”
- Dennis Padilla nag-sorry sa anak na si Leon Barretto: “Miss ko lang kayo.”
* * * * * * * * * *
Please follow us on our social media accounts!
Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily