Juan Karlos Labajo at Maureen Wroblewitz, hiwalay na

Kinumpirma ng singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo ang hiwalayan nila ng kasintahan na si Miss Universe Philippines 2021 first runner-up Maureen Wroblewitz.

Sa isang Instagram post ngayong araw, June 10, ay nagbahagi ng mensahe ang singer.

“Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan.

“Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan.

“Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli.”

Samantala, isang quote card naman ang ibinahagi ng beauty queen sa kanyang Instagram account.

“Life is not happening to you. Life is happening for you.”

Sa caption ay sinabi nitong may mga bagay talaga na kailangang magwakas.

“Some things come to an end and that’s okay. But now, it’s time for us to grow on our own.”

Nag-comment naman sa nasabing post ang dating kasintahan.

“I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with.

“You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves.

“I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves.”

Sinagot naman ito ni Maureen at nagpasalamat.

“Thank you for everything!!!”

Ikinalungkot naman ng kanilang mga tagahanga ang nasabing balita.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”So sad. Andaming naghihiwalay lately.”

”Sana all ng naghihiwalay ay ganyan kaayos. Hindi bitter sa isa’t isa.”

”Aww. First boyfriend ni Mau si JK. Nakakalungkot.”

”Ilang taon na naman ang nasayang.”

”Ano bang meron sa 2022 at maraming nagkakahiwalay?”

”Bakit usong-uso ang hiwalayan ngayon? Anong meron?”

”Isa ito sa mga hinahangaan kong couple. Now, wala na rin.”

”Wala siguro talagang forever.”

”Love pa rin nila ang isa’t isa base sa mga salita nila.”

”Yung ganito ang mga hiwalayan na hindi nakakahinayang masyado kasi mukhang magkaibigan pa rin naman sila.”

”Naka-quota na si 2022 sa dami ng hiwalayan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: