Lolit Solis may payo sa jowa ni Angeline Quinto: “Check mo muna sa salamin…”

Usap-usapan ang Instagram post ng batikang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis tungkol sa umano’y pagbabalak ng boyfriend ni Angeline Quinto na si Nonrev Daquina na pasukin ang mundo ng showbiz.

Prangka at diretsahan ang naging mga pahayag ni Lolit tungkol dito.

“Parang tumayo balahibo ko Salve ng mabasa ko na gusto daw ni Angeline Quinto na mag artista iyon non showbiz father ng kanyang naging anak.

“Sa nabasa ko na mga nasulat, may 3 ng anak sa 2 pang ibang babae iyon BF ni Angeline.

“Naanakan niya si Angeline Quinto, at ngayon may pangarap siyang pumasok ng showbiz. Bongga di ba !

“Parang ganuon kadali lang puwede na siyang maging celebrity ?

“Parang nagka anak ka sa 3 babae, puwede ka ng matinee idol?

“Feeling pogi at yummy dahil may mga babae na nagpa anak sa kanya ?

“Iyan ilusyon dapat may realidad din.

“Check mo muna sa salamin o ikaw mismo sa sarili mo kung babagay ka ba sa mundo na papasukin mo.

“Porke pinatulan ka at nagpa anak ang isang Angeline Quinto, pang showbiz ka na ? Puwede ka ng artista ?

“Naku, dapat siguro magkaruon ng reality check pati si Angeline para naman iyon ulap sa mga mata nila mawala.

“Nagka anak na sa 2 magka ibang babae, pumayag kang anakan ka, tapos ngayon bibigyan mo ng ilusyon maging showbiz.

“Naku, sana na lang ang isipin mo ang magiging kinabukasan ng iyong anak Angeline, huwag mo ng pasukin ang trabaho ng pagiging talent scout.

“Baka maghanap lang ng iba pang babae na aanakan iyan BF mo sa showbiz kaya gusto pumasok, stop , look, listen ka muna.”

Agad namang nagkomento at nagbigay din ng kanilang saloobin ang netizens tungkol sa mga nasabing pahayag ng kolumnista.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Ayan na naman po tayo, Manay Lolit. Ikaw kaya ang humarap muna sa salamin?”

“Nagsalita na naman ang… never mind!”

“In fairness sa jowa ni Angge, may itsura naman po.”

“Hindi lang looks ang basehan sa showbiz, dapat alam mo yan dahil talent manager ka.”

“Malay mo naman at may talento naman pala si boylet. Push lang!”

“Yung iba nga may itsura pero di naman marunong umarte.”

“Pa-relevant na naman itong si thunder.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: