Vice Ganda, tinanggihan ni Sarah Geronimo na makatrabaho sa Idol Philippines?

Maraming fans ang nakapansin at nagtaka sa pagkawala ni Vice Ganda bilang isa sa mga hurado sa bagong season ng ABS-CBN show na Idol Philippines.

Sa unang season kasi nito ay kasama nina Regine Velasquez, Moira Dela Torre, at James Reid si Vice bilang hurado.

Sa bagong season ng show, mananatili sina Regine at Moira sa panel of judges.

Makakasama naman nila sina Gary Valenciano at Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar.

Si Robi Domingo naman ang papalit kay Billy Crawford bilang host ng show.

Marami ang napatanong kung bakit nawala si Vice sa panel of judges.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi ng talent manager ang nalalaman niya tungkol sa pagkawala ni Vice sa nasabing show.

“Si Vice, dapat talaga nasa season 2 siya.

“Noong nabalitaan niya na si Sarah Geronimo, si Regine Velasquez at siya ang uupo bilang mga hurado.

“E kasi sabi ni Vice, gusto niyang makatrabaho si Sarah… Excited siya to work with Sarah.

“Kasi yun ang parang nagpapaangat ng pwet niya, nagpapa-excite sakanya para maging hurado ulet.”

Hindi naman naibahagi ni Ogie kung bakit hindi natuloy si Sarah sa nasabing show.

“Tapos e sabi ni Vice, biglang nawala si Sarah siyempre parang nabawasan yung excitement ni Vice nung hindi na nga pumwede si Sarah.

“E alam mo naman si Vice kung kilala mo si Vice, alam mo naman yan parang hindi mapakali ang pwet niyan, nae-excite siya sa isang gagawin niya, so parang hindi siya na-excite.”

Ikinuwento rin ni Ogie na hindi kapalit ni Vice si Chito bilang hurado.

“Hiningan siya ng suggestion kung sino ang pwede at nai-suggest niya si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar para daw may masa appeal, kapit parin sa masa.”

Agad namang umani ng komento mula sa netizens ang nasabing balita.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

”Dahil lang hindi natuloy si Sarah, ayaw na ni Vice agad?”

”So, hindi siya nae-excite na makatrabaho ulit si Regine na idol niya?”

”Iba pa rin sana ang hatak ni Vice sa viewers.”

”Mababawasan na ng kwela ang show.”

”Okay lang nman ang new set of judges. Legit na singers naman lahat.”

”Kasalanan pala ni Sarah. Charot!”

Panoorin ang buong vlog ni Ogie dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: