Barbie Imperial, nagpaliwang tungkol sa larawan nila ni Xian Lim na magkasama sa hotel

Nagsalita na ang aktres na si Barbie Imperial kaugnay ng kinasasangkutan nitong intriga sa kasalukuyan.

Matatandaang nag-viral sa social media ang larawan nila ng aktor na si Xian Lim kamakailan.

Ito ay matapos mag-post ang Hotel Rosario Mati sa kanilang official Facebook page ng larawan kung saan makikitang magkasama ang dalawa.

Sa caption ng nasabing post, pinasalamatan ng hotel ang dalawa sa kanilang pag-stay sa hotel.

Mabilis na kumalat sa social media ang nasabing larawan at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Agad din itong nabigyan ng ibang kulay at intriga ng mga malilikot ang imahinasyon na netizens.

Samu’t saring komento rin ang naglabasan na pilit na binibigyan ng malisya ang pananatili ng dalawa sa nasabing hotel.

May ilan din namang nagtanggol sa dalawa at ipinaliwanag ang dahilan kung bakit magkasama ang dalawa sa Mati City.

Ayon sa mga ito, naimbitahan sina Barbie at Xian sa isang political rally sa nasabing lugar kamakailan.

Ito rin ang sinasabing dahilan kung bakit namataan na magkasama ang dalawa sa isang hotel.

“They were both invited here in Mati City for political rally/campaign. Wag po issue agad. Kahit di po ako fan ni Kim Chiu as an artist pero her relationship with Xian Lim is one of my fave among showbiz couples.”

”Nag-guesting po sila sa isang political rally sa Mati City invited by Mayor Almario and his team, same hotel po sila ng pinag-stay-han pero iba-ibang kwarto. Yung resting place po nila ay prepared by the people who invited them. Nandoon sila for work po. Wag tayong paladesisyon at gumawa ng issue na wala naman doon.”

”Kaya sila magkasama sa Mati City kasi isa sila sa celebrity guest ng candidato doon.”

Samantala, sa report ng Kami.com.ph, nagbigay ng kaniyang panig si Barbie tungkol sa issue.

Aniya:

”It was actually the hotel where we stayed at nung nag-campaign kami nila Xian sa Mati.

”Madami kami. My room and Xian’s room. 

“Nag-favor yung hotel if pwede mag-photo.”

As of this writing ay wala pang reaksiyon hinggil sa issue mula sa panig ni Xian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

One thought on “Barbie Imperial, nagpaliwang tungkol sa larawan nila ni Xian Lim na magkasama sa hotel

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: