Ricci Rivero, sinupalpal ang TikToker na nagsabing pinusuan niya ang bikini photo nito

Nag-viral sa TikTok ang video ng isang female TikToker na nagsasabing pinusuan umano ng basketball plater na si Ricci Rivero ang ang kaniyang bikini photo.

As of this writing ay nakahakot na ito ng 3.1 million views at patuloy pa ring umaani ng iba’t ibang komento.

Makikita sa nasabing video ang pag-highlight sa pangalan ng basketbolista na sinasabing pumuso sa nasabing larawan ng babae.

Dahil dito, agad itong umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Karamihan ng mga komento ang nag-mention pa sa pangalan ng aktres na si Andrea Brillantes na kasintahan ngayon ni Ricci.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Agad namang nagsalita ang basketbolista para linawin ang issue.

Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi niya ang screenshot ng umano’y pag-heart niya sa bikini photo ng TikToker.

Kalakip nito ay isang prangkang mensahe para sa babae.

“Lol 1st of all i would never do that 2nd it’s clearly edited 3rd mas sexy gf ko kesa sayo.”

ricci-r-1651720505.jpg

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: