Kris Aquino, masayang ibinalita ang engagement kay Mel Sarmiento

Sinorpresa ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino ang kanyang social media followers sa isang special announcement kahapon, October 24.

Ibinahagi niya sa pamamagitan ng isang Instagram post ang kanyang engagement kay dating DILG secretary Mel Sarmiento.

“We discussed this post and i thought about it carefully… marami kasi sa followers ko ang nagtatanong kung kamusta na ko because matagal na kong nawala…

“aamin ako i’m only 95 pounds now. this pandemic and many stressful events that happened since mid August really caused my weight to drop & my health to suffer.”

“And it’s been exactly 4 months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw nya talagang iwanan si “bunso” na walang magbabantay at magaalaga na siguradong pinagkakatiwalaan nya.

“Somehow i believe there really was a matchmaker in heaven who must be smiling now- i can almost hear his voice telling me, “kristina, tama na, respect the fact na gusto ni Mel ng tahimik na buhay.” And finally, “bunso”has learned to obey.”

“To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful i feel now that you’re here.

Ikinuwento rin niya ang naging papel ng yumaong pangulong Noynoy Aquino sa relasyon nila ni Mel.

“We would never have met nor reconnected had it not been for Noy.

“Thank you to my kuya, kahit wala na sya ramdam na ramdam ko na kahit ilang beses kaming nagkatampuhan, kahit kailan gagawa talaga sya ng paraan na ma-assure kami nila kuya josh at bimb kung gaano nya kami kamahal at hindi talaga sya papayag na ma feel namin na kami ay mapapabayaan. We love you and we miss you.

“But THANK YOU, you must have known how broken i’d be to lose you, so you made sure there was someone who not only helped wipe away my tears, he’s made it possible for me to smile and laugh again.

“Dumating nung hindi ko hinahanap o inaasahan- kaya nga tama silang lahat na nagsabi in God’s perfect time.”

Kaiba sa nakasanayan ng publiko kay Kris, mas pinili niya ngayong maging pribado sa bagay na ito at limitahan na lamg ang ibinabahagi sa publiko.

“We agreed, what’s personal shall remain private so hanggang dito lang ang pwede kong ma share.

“Except i guess to say as much as i am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: