Kylie Padilla, sinagot na ang paratang ni Aljur Abrenica na siya ang unang nangaliwa

Sa isang exclusive interview kay Jessica Soho, nagsalita na si Kylie Padilla tungkol sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Ipinalabas ang nasabing interview sa GMA-7 show na Kapuso Mo, Jessica Soho kagabi, October 24.

Inamin ni Kylie na totoong siya ang nag-initiate na makipaghiwalay sa asawa matapos ang pagsasama nila sa loob ng dalawang taon at apat na buwan.

Pero nilinaw niyang wala raw katotohanang niloko niya si Aljur noong sila pa.

Ayon kay Jessica, si Kylie mismo ang gustong magkuwento ng kanyang pinagdadaanan, na siyang tinugunan naman ni Kylie.

“Yes, yung lumabas na statement, medyo nagulat din ako. It’s unfair.

“I don’t have a say because I was part of the marriage, dalawa kami.

“Gusto kong matapos yung nangyari sa amin na friends kami, but parang nag-iiba ata ang ihip ng hangin.”

Ang tinutukoy ni Kylie ay ang nag-viral na Facebook post ni Aljur noong Martes, October 19.

Sa nasabing post, hinamon ni Aljur si Kylie na magsabi raw ng totoo.

Tila inakusahan rin niya si Kylie na ito ang unang nangaliwa.

Sinagot naman ito ni Kylie sa interview.

“Ang dami kong puwedeng sabihin na ikakasira niya because we were both in the marriage.

“But I choose to keep quiet na lang about the details. Hindi naman makakatulong sa amin, e.

“He knows what he did wrong and I know what I did wrong.”

Kwento pa ni Kylie, February 2021 pa lamang ay nagsimula na ang pinagdadaanan nila.

“If we do want to blame each other maybe we can do it in the right place, not in social media.

“If I say my side, hindi siya makakatulong. So, in some way ,I’m still trying to protect what I can kasi ayoko talagang tuluyan nang gumulo kasi lalaki yung mga anak ko, mapapanuod nila ito and ayokong makita nila.”

Ayaw raw sana ni Kylie na magsagutan pa sila sa social media dahil lalo lang walang mangyayari.

“I know my truth, e. I know what I went through and I know what he went through. Ang alam ko lang, parehas kaming hindi masaya.

“And if we play the blaming game, what are we gonna get with trying to attack each other online? I mean, who is it helping?”

“Let’s do it in court na lang kung gusto mo ng ganyang labanan.”

“Na-hurt ako sobra sa sinabi niya that I wrecked the family. Hindi ko in-expect yun because we had an agreement.

“Sabay tayong magpapa-interview para at least after nito kahit maghihiwalay na tayo, we’re still united, inisip pa rin namin na family kami.”

“In my defense, while we were formally married, I never had any extra-marital relationships with other men. That is my truth.

“Okay sana kung ginawa ko, e. I would say I’m sorry pero hindi talaga, e. That’s what they keep throwing at me, paano ako aabot sa bagay na hindi ko naman ginawa?

“Siyempre, when we say ‘cheated,’ ang unang iniisip ng mga tao, nanlalaki. Talagang in their minds ginawa ko yun, and may mga blind item that said that.

“Saan galing ang mga ito? Kasi kung totoo talaga, aamin ako. But like, hindi talaga siya totoo, e! Natatawa na lang ako.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: