Kuya Kim Atienza, naging emosyonal sa kanyang pamamaalam sa TV Patrol at ABS-CBN

Pormal nang nagpaalam si Kim Atienza o mas kilala bilang Kuya Kim sa TV Patrol at ABS-CBN matapos ang halos dalawang dekada nitong pagbabalita ng ulat-panahon.

Sa TV Patrol kagabi, October 1, ay nagpahayag na rin siya ng pasasalamat sa lahat ng mga nakatrabaho niya sa mahabang panahon.

Una nang napabalita ang paglipat niya sa GMA-7 at mas lalong umugong ang balitang ito nang kumalat na rin sa social media ang ilang larawan at video ng unang shoot niya para sa isang programa sa kabilang istasyon.

Sa kanyang pagpapapaalam, pinasalamatan siya ng ABS-CBN na anging tahanan niya sa loob ng 17 taon.

Narito ang official statement ng network hinggil dito.

“Today (October 1), Kim Atienza bid goodbye to the viewers of ‘TV Patrol’ after many years of delivering the nightly weather news.

“No doubt, Kuya Kim has become an iconic name on Philippine television just like his predecessor in our primetime newscast, the late Ernie Baron.

“For 17 years, he shared knowledge and wonder to our viewers, as well as the many young Filipinos who grew up watching and learning from him in ‘Matanglawin.

“We thank him for his dedication, passion, and most of all, service to the Filipino people. All the best, Kuya Kim!”

Maliban sa TV Patrol ay naging ‘iconic’ rin ang programang Matanglawin na humakot ng napakaraming awards sa telebisyon.

Naging bahagi rin si Kuya Kim ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime bilang isa sa mga original hosts nito.

Naging trending topic sa Twitter ang nasabing farewell ni Kuya Kim sa TV Patrol.

Narito ang ilan sa mga tweet ng netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: