Sinagot ng TV at radio personality na si Ben Tulfo ang naging pahayag ng TV host-comedian na si Vice Ganda kamakailan.
Matatandaang naging kontrobersiyal kamakailan ang binitiwang pahayag ni Vice sa programang It’s Showtime.
Aniya, “Post ka nang post ng mga Bible quotes sa social media pero sumusuporta ka naman sa magnanakaw.”
Walang direktang pinagalanan ang komedyante sa kanyang pahayag.
“Post ka ng post ng mga bible quotes sa social media pero sumusuporta ka naman sa magnanakaw.”
Where’s the lie? pic.twitter.com/yQtqjXK5Gm
— ricci (@ricci_richy) September 23, 2021
Sa programa ni Ben Tulfo na Bitag ay naging paksa niya ang nasabing pahayag ng komedyante.
Narito ang ilan sa mga naging pahayag naman ni Ben.
“Vice Ganda, kung nakikinig ka, at kung sinumang mga alipores mo, mga chuwariwariwap mo sa mga palabas mo, para sa ‘yo ‘to!”
“Kami ho sa Bitag Multimedia Network, nabubuhay ho kami doon sa bible verse na pinanindigan ho namin eh.
“Hindi ho kami basta nagpo-post na hindi namin pinaniniwalaan ‘yung aming mga pino-post.
“May iba, pino-post ho nila sa dahilang sila ho’y nai-impress, nagagandahan sa kanilang nababasa, o sa kanilang nakukuha sa bibliya.
“Hindi ho relihiyon ang pinag-uusapan. Prinsipyo ho ito—adbokasiya.. Hindi ho kami basta bumubula ang bibig na pa-eche-eche, chuwariwariwap, chorva-chorva.
“Vice, idikd.ik mo sa mukha mo ‘to. Pakinggan mo ‘to!
“Kaya ka nalalagay sa alanganin, put0k sa buho ka. Mukhang yokababs ka na.
“Sa mga sinasabi mo, pekendus ka naman eh. Hindi ka totoo!
“‘Yung mga taong totoo kapareho ng Bitag, kami, makikipagbsagan ng mukha. ‘Yung mukha mo na ‘yan, parang manika na pekendos.
“‘Pag tinamaan ka, yari ka. Huwag na huwag mong sasabihin uli; hindi mo idye-generalize!
“Kasi kami, we feel, ‘yung mga sinasabi mo, parang pati kami, hagip d’yan. Dapat, nilinaw mo.”
Kung babalikan ang naging pahayag ni Vice, wala itong pinatungkulang partikular na tao sa kanyang mga sinabi.
“General’ ang pahayag nito at ang pinatutungkulan nito ay ang mga mahilig sa Bible verses ngunit iba naman ang ipinapakita sa kilos.
Kaya naman naging palaisipan sa mga netizens kung bakit sumagot si Ben Tulfo sa mga nasabing pahayag.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.
“So, guilty ka kaya ka sumagot?”
“Wala naman siyang binanggit na pangalan pero bakit ka tinamaan?”
“Di ko gets itong si Tulfo. Hindi naman yung nagpo-post lang ng Bible quotes ang pinatutungkulan dun. Intindihin nyong mabuti.”
“So, you agree na sumusuporta ka sa magnanakaw?”
“Pengeng popcorn. Mukhang magandang sagutan ito.”
“Bato-bato sa langit, ang tamaan sapul!”
“Eto na naman tayo sa tapang-tapangan sa salita. Kung saan-saan na naman nakarating.”
“Comprehension left the group.”