Video ng nakakaaliw na reaksiyon ng isang nanay sa ‘money cake’ para sa kanyang birthday, nag-viral

Kinaaliwan ng netizens ang video ng isang nanay na sinorpresa ng money cake bilang regalo ng mga anak sa kanyang kaarawan.

Sa video na ini-upload ni Beck Evangelista Laygo ng Lipa, Batangas, makikita ang pagsurpresa nila sa kanilang ina.

Makikita na noong una ay excited at tuwang-tuwa ang kanilang ina nang simulan nitong hilahin ang sorpresa mula sa cake.

Ngunit tila agad nagbago ang reaksiyon niya nang puro papel lamang ang nahila niya mula sa cake.

Sa halip na pera, papel lamang na may nakasulat na mensahe ang kanyang nakuha sa simula.

“Happy birthday, Mama naming mahal. Nasa ’yo na ang lahat, ano pa ang gusto mo?  Mababait at masisipag na mga anak, magagandang apo at masaganang negosyo. Pautang po muna ng pambayad sa cake na ito.”

Matapos nito ay may nahila na rin siyang halagang P500 salapi mula sa cake, ngunit sinundan muli ng mensahe.

“Akala mo may kasunod pa ano? Hahaha”

Mabilis na nag-viral ang nasabing video at umani ng mga komento mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Kaaliw ang mukha ni mader nung nagulat siya dahil sa wakas may pera na.”

“Sana all may cake na ganyan. Wala kasing pambili man lang kahit simpleng cake pero okasy lang, ang importante ay buo ang pamilya.”

“Nakaka-good vibes si mader. Hahaha”

“Yung dismayado na sya pero nagulat dahil meron naman pala talaga.”

“Asang asa si nanay tapos puro papel lang. Hahaha”

“Kung nanay ko siguro yan, baka namura na ko sa dami ng papel. Hahaha”

“Nangawit na muna siya sa paghila ng papel bago nagkapera. Haha”

“Ang saya ni mader. Pampa good vibes lang. Hehe”

“Kung ako yan, nainip na muna ako. Pero ayos lang, may pera naman pala. Haha”

“Ambagal magbasa ni mader. Mas mabilis pa yung bata. Char lang. Haha! Happy birthday po”

“Buti hindi siya nagsawa sa paghila. Hehe”

Panoorin ang nasabing video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: