Jasmine Curtis Smith, namahiya nga ba ng isang food delivery rider?

Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang pagpo-post ng aktres na si jasmine Curtis Smith tungkol sa karanasan nito sa isang food delivery service.

Nag-post sa kanyang social media accounts ang aktres upang iparating sa pamunuan ng Grab ang kanyang hinaing.

“Hey @grabfoodph, your rider stole my order. He won’t answer texts or calls. (sad face emoji).”

Sinamahan pa niya ito ng screenshot ng detalye na may kasamang larawan ng rider mula sa app.

Mabilis namang nag-react ang netizens para i-call out ang aktres sa ginawa nito.

Isang netizen din ang nag-screenshot ng nasabing post ng aktres at nagsabing:

“Shame on these people who act all high and mighty, but upon some slight inconvenience, uses their clout to publicly shame people.”

“Did you just simply took down your post when your “stolen” food arrived? No public apology, for public shaming him just because you can?”

Sa Twitter, isang netizen din ang nag-reply sa tweet ng aktres at nagsabing hindi na lang sana muna ito ipinost sa social media.

Aniya: “Hmmm sana di na ipost, i know di mo nakuha u g fud mo pero pwede nman ireport sa app. What if nagkaprob lang . Naipost at napahiya na si kuya, cguro nman di ganun kabawasan ung halaga nawala sau. Pero ung kahihiyan ng tao if di nman sadya ang nangyari di na maibalik #justsaying”

Nag-reply naman dito ang aktres at sinabing binura na nito ang nasabing post.

Nai-report na rin daw niya ito at naibalik na ang kanyang ibinayad sa pagkain.

“Hi, I’ve taken it down and I did simultaneously report it in the app, and via twitter. The Grab team has processed my refund. Wala po sa halaga ang concern. Thank you for your advice and will take this on board next time.”

Ilang netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya sa nangyari.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

“Eh kaso, damage has been done!”

“t*ng*na jasmine bat kailangan mo pa ipahiya yung rider para lang sa kukurimpot na pagkain pangalandakan mo pa sa millions of followers mo? wala kang awa”

“Damage has been done. Clearly, you took the post down after people called you out on it. Disgusting how you celebrities think you’re all high and mighty. Remember this, without your fans you wouldn’t be where you’re today.”

“Totally insensitive, feeling high and mighty, because artista. These privileged b*tch*s because they are “famous” are the biggest BS who always look down on people. And you’re not even sorry. Horrible!”

“Typical entitled sp0iled br4t. Taking pleasure in humiliating ordinary workers. Ninakaw talaga??? Nagpakilala na ng 2nay na ugali. M0ney really can’t buy class.”

“Didn’t even acknowledged that she did something wrong. Really disapp0inting behavior.”

Hindi na muli pang sumagot ang aktres sa mga tweets ng netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: