Nag-viral sa social media ang video na ini-upload ng isang food delivery rider kung saan nakuhanan ang umano’y pag-counterflow ng isang MMDA traffic enforcer.
Sa Facebook post ni Urcino Rodriguez, ibinahagi niya ang nakuhang video ng traffic enforcer.
Sa nasabing post, humingi rin ng tulong ang delivery rider sa kilalang radio ang TV personality na si Raffy Tulfo.
Aniya, kinasuhan at ipinakulong siya ng traffic enforcer na nakuhanan niya sa video.
Basahin dito ang kabuuan ng kanyang post (published as is).
“Ser ruffy tulfo humihingi poh ako Ng tulong sainyo.sana poh matulongan new poh ako sa Kaso ko.na mapabilis.para maka balik na poh ako sa grab.dhil sa ngaun poh Wala poh akong stay ball na trabaho.extra extra lng poh ako sa contraction.
“katulad ngaun Wala na nmn pong pasok.pina kulong poh ako Ng isang MMDA at kinasohan Ng direct assult.dhil na vediohan ko poh syang nag ccounterflow d2 poh sa my ever gotesco comunwealth.habang naka tambay poh ako sa my tapat Ng lotto nag hihintay Ng boking.”
“naka tatlong hiring na poh kame.pero Wala pa pong disition.binaliktad pa ako sa pangalawang hiring nmin.nag wetness sya sa Sarili nya.ang sabi nya sa salaysay nya ako dw Ang nag counterflow.
“di ko pa poh na present itong vedio ko.dhil di pa poh ako nakaka pag bigay Ng salaysay ko.nangyare poh ito nong Feb 5 2021 2:25pm.ito poh ung MMDA na ng huhuli sa mga nag ccounterflow d2 sa my ever gotesco comunwealth.
“sa pangalawang hiring nmin.don ko nalaman na Wala pla syang paniket.sa madaling sabi.walang karapatan syang maniket.
“kasi parang natanong sya Ng judge.na Kung otorise ba dw Syang maniket.ang sagot nya.hindi poh Kasi nag sisiminar palang dw sya.para sa paniniket.
“kau na mga paps humusga.kung pwede syang Mang Hul oh hindi.sa lahat Ng rider humihingi ako Ng konting suporta galing sainyo.para ipaglaban Ang karapatan Nating mga rider.sana matulongan new ako mga paps na makarating ito Kay ruffy tulfo”
Bisitahin ang nasabing post dito.
Panoorin ang nasabing viral video dito at kayo na ang bahalang humusga.
As of this writing, nakahakot na ng mahigit 450K views ang nasabing video.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).
“wla kng krapatan mg counterflow kupal ska mamamayan ang ngpapasahd sainyo kya wg m cyang tnungin kng cno cya kpal”
“Madalas nga bus lane pa sa edsa gamit ng mga yan, sila mdalas lumabag sa pinapatupad nilang batas kaya ang mga tao nadidismaya s knila tulad ni grab driver dismayado sa nakita nya.”
“Nag seminnar ba iyan inforcer karapatan dw nya mag counter flow komo ba cya inforcer”
“emergency – counterflow sa bikelane mas delikado pa ginawa – pag emergency rush din kagad hindi na makikipag usap at mag video din at makipag angasan ng salita emergency nga eh”
“Bat ba karamihan na kinukuha na mga enforcers eh ugaling iskwater.maka asta daig pa pulis tsk”
“Mmda ka pa naman mag resign ka na di kaya tangalin na sa pwesto yn palitan nang mas karapat dapat sa trabaho bilang mmda”
“Palusot pa emergency daw… Nyahahahaha yari ka ngaun sa boss mo”
“Cla lang me karapatan gumawa ng labag, sa batas.”