Viral ngayon sa social media ang video ng pagbabakuna sa isang vaccination site sa Makati.
Una nang ini-upload ng isang netizen ang nasabing video sa Twitter.
As of this writing, naka-private na ang Twitter account ng nasabing netizen ngunit may iba nang nakakuha ng kopya ng video at nag-upload ulit nito.
Sa nasabing video, makikita na bagama’t naitusok sa braso ang injection, hindi naman napindot ang plunger para mailabas ang laman ng bakuna.
WATCH: @DOHgovph confirms a viral video wherein a health worker administering a COVID-19 vaccine in Makati struck the needle into the arm but didn't press the plunger to release the contents. DOH ensures a thorough investigation will be conducted. @cnnphilippines pic.twitter.com/FXqvvRnYAy
— JM Nualla (@jmnualla) June 28, 2021
Samantala, naglabas na ng official statement ang Department of Health (DOH) hinggil sa nasabing video.
“The DOH is aware of the circulating video of a prospective recipient who failed to receive a proper dose of C0VlD-I9 vaccine. This is a clear breach of vaccination protocol.
“The vaccine recipient, who was filming the incident, noticed that the healthcare worker failed topush the contents of the syringe. The vaccination site was quick to address the mistake and she was successfully vaccinated after showing the video to the vaccination team.
“The department is investigating this breach in the vaccination protocol in coordination with the local government unit concerned, and reminds all vaccinators to take extra care and attention during inoculation.”
READ: The DOH said it is investigating a video showing a breach in the vaccination protocol.
“The department is investigating this breach in the vaccination protocol […] and reminds all vaccinators to take extra care and attention during inoculation.” | via @gaeacabico pic.twitter.com/zqnUUOrLTH
— Philstar.com (@PhilstarNews) June 28, 2021
“Sinisiguro po namin na ating iimbestigahan ang pangyayaring ito upang mapabuti ang ating national vaccination program. Sa pagdating ng mas maraming bakuna sa bansa, we will continue to improve our speed, scale, and quality of service.”
Sa kabila ng nasabing official announcemnt ng DOH, umani pa rin ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko ang nasabing viral video.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.
“Buti nmn at may action agad”
“Dpt ikulong din yung nagtuturok n yun. Ilan kaya ang winalanghiya nya”
“Buti na videohan.”
“Papano nalang yung hindi nagvivideo 😞”
“Malamang irerecycle yung bakuna, at pagkakakitaan.”
“Yung gumagawa nito,isipin nyo na lang na nilalagay nyo sa peligro yung tao na umaasang nabakunahan sila ng tama.”
“Pano kaya kung di navideohan? Aasa na lang na nabukahan siya kahit hindi naman pala?”