TikTok video ng asawa ni Scottie Thompson, umani ng komento mula sa netizens

Naging usap-usapan ng mga netizens ang TikTok video ni Jinky Serrano, ang babaeng pinakasalan ni PBA player Scottie Thompson.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang kasal nilang dalawa dahil ikinagulat ito ng publiko.

Noong Enero lamang ng taong ito kasi ay inianunsiyo ni Scottie ang engagement nila ni Pauline Fajardo na naging magkasintahan sa loob ng walong taon.

Kaya naman marami ang nagulat nang ibalita na nagpakasal na si Scottie ngunit hindi sa long-time girlfriend kundi sa flight attendant na si Jinky.

Sa latest TikTok video nga ni Jinky na may caption na “I’m not simping for anyone” ay tila ipinakita nito na ipinagkibit-balikat lamang niya ang mga negatibong komento na natatanggap dahil sa nasabing kasalan.

Narito ang ilang komento ng netizens hinggil sa nasabing video (published as is).

Kadalasan blessings in disguise yan sa babaeng niloko.. Balang araw ipagpapasalamat pa ni ms pau ang ginawa ng ex niyang si scottie..”

“Yung inagawan tahimik lang lang pero yung nang agaw prang proud pa kta nman prang wala delikadesa sa buhay.”

“Ingat sa karma..behind ur smiles and triumph there’s someone who’s hurting..we’ll see what happens next!”

“Hnd kau mgtatagal for sure. S 8 yrs nga bgla bumitaw c thompson what more pa sau n 2 months plang…hnd dn kau magging masaya..sarap hilahin ng dila mong babae ka”

“Eto ung aabangan ko sa tulfo… Ate ghorl masakit un nangyari sa isa kung nagtrending man ang simpatya ng netizens nasa knya di mo un ikinaganda ikaw na pinakasalan pero tingin ko kung totoong masaya ka na dapat tahimik ka na… Un attitude na gnyan prang walang peace of mind.. trending din un ngaun teh… Jusmio ka”

“8yrs alam mo na lhat lhat tpos 2months lng pinakasalan mo kilala mo na ba tlga grabe ka hilong hilo ka yta feeling guapo at maganda kau .”

“Aanhin ang kabaitan kng haliparot ang kalaban. Di ako fan ng Ginebra di k rin kayong 3 kilala pero sa mukha mong babae ka panandaliang saya lng ang meron ka. Di ka nturuan ng magandang asal. Matuto ring maging lowkey neh?!!! Para di masyadong halatang nang agaw ka lng.🙄”

“Kawawa naman si ex…tapos itong present tiktok ngntiktok parang bang aasar pa pinapakita pa nya na masaya..sya..sana maging sensitive din sya sa feeling ng iba…maging aware sya na di nakkatuwa ung ginawa nila.”

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: