PBA player Scottie Thompson, nagsalita na tungkol sa ‘kontrobersiyal’ na kasal

Trending topic sa social media ang PBA player na si Scottie Thompson.

Ito ay matapos lumutang ang balita na nagpakasal na ito ngunit hindi sa long-time girlfriend na si Pauline Fajardo kundi sa flight attendant na si Jinky Thompson.

Ikinagulat ng mga basketfall fans ang balitang ito dahil noon lamang January ay ibinandera ni Scottie sa kanyang Instagram account ang engagement nila ni Pau.

Sa kainitan ng balitang ito, lumabas ang isang social media post umano ni Scottie na nagpapaliwanag sa nangyari.

Mabilis din umanong binura ang nasabing post ngunit may ilang netizens na nakapag-screenshot na ng nasabing paliwanag.

Ayon sa post:

“2 months na kaming hiwalay kita niyo nang deleted na mga pic bawat isa samin.

“Bawal bang may privacy? Gusto manahimik ng tao nangingialam kayo. Buhay niyo ba ‘to?

“Okay sige. Dahil ito gusto niyo para matapos na. Sa mga nagtatanong at sa mga gumawa pa mga dummy account thank you sa effort niyo alam ko ito lang gusto niyo marinig at gusto niyo trending kayo.

“AKO REASON NG HIWALAYAN NAMIN AKO ANG MAY MALI NG LAHAT.

“Mas masarap sundin yung puso natin kung saan masaya. Alam ko ito gusto niyong marinig.

“Lalaki kong tatanggapin ang lahat ng ibabato niyo sakin.

“Sa mga gumawa ng dummy account ilabas niyo na gusto niyong ilabas. Andito buhay niyo sa social media eh kasi wala kayong buhay sa labas.”

Sa kabila nito, samu’t saring komento pa rin ang mga netizens.

Ikaw, anong masasabi mo rito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: