Piyaya na may uod, inireklamo ng netizen sa isang Facebook post

Idinaan sa pamamagitan ng isang Facebook post ang reklamo ng isang netizen tungkol sa nabili niyang piyaya.

Sa post ni Larathel Gopio Zamora, ibinahagi niya ang ilang larawan at video ng nabiling piyaya.

PHOTO: Facebook | Larathel Gopio Zamora

Ayon sa translated caption ng post:

“Shoutout ako sa Unicity/Unitop sa Surigao! Paki-check po yung items niyo kung dapat pa ba yang i-display or itinda.

“May nakita akong gumagapang sa binili kong Piyaya.”

Narito ang original caption ng nasabing post.

“SHOUT OUT SA UNICITY/UNITOP SURIGAO PLEASE PA CHECK INYUHA ITEMS IF ANGAY PABA EDISPLAY OR EBALIGYA OR NEED NA NIJO BAYLUAN 😌 MAY NALANG GAYUD NAKA BANTAY KO NGA NAAY NAG KAMANG KAMANG SA PIYAYA NGA GEPALIT NAKO KAHAPON SA INYUHA STORE 😭

“GEKABUHI KO NAKAKAON RABA KO DISER KO NAKA KITA NGA NAAY NAG KAMANG KAMANG 🥴”

PHOTO: Facebook | Larathel Gopio Zamora

Nagbahagi rin siya ng video kung saan makikita ang paglabas ng uod mula sa loob ng tinapay.

Panoorin dito.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnany na raw siya sa napagbilhang tindahan.

Agad na umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko ang nasabing post.

PHOTO: Facebook | Larathel Gopio Zamora

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Grabi kayo maka bulate. Di pwedeng uod lang? Tsaka masarap yan. Yan ang lagi ko ulam tuwing walang wala ako”

“Uod Ng nalaman dinaman ouod Ng langaw iyan. Ano nilagay lang papasin”

“Sa unang kagat, uod agad!”

“Grabe! Di man lang siguro tsinetsek ng tindera an gpaninda niya.”

“Post agad? Di ba pwedeng bumalik na lang muna sa tindahan?”

“Mas maganda nyan habang kinakain mo lalabas ung uod 🤮”

“Ireklamo nyo sa may ari, ipapalit nyo, pwede nyo sila pagalitan, pinopost nyo pa para mapansin kayo, Pinoy nga naman..”

“Wala iyan 😅 laman tiyan din 😅”

“Pwede namang hindi na idaan sa social media ang ganito.”

“Sa Facebook ka ba bumili ate? Bakit sa Facebook ka nagrereklamo?”

“nyee! Favorite ko pa naman tong piyaya 🥺”

Bisitahin ang original post dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: