Sharon Cuneta to bashers: “Yuck kayo!”

Binuweltahan ni Megastar Sharon Cuneta ang mga netizens na nag-iwan ng mga negatibong komento sa mga larawan na ipinost niya sa kanyang Instagram account kamakailan.

Matatandaang nag-viral sa social media ang nasabing mga larawan na kuha sa isang eksena nila ng leading man na si Marco Gumabao.

PHOTO: Instagram | Sharon Cuneta

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay sinagot ng Megastar ang nasabing issue.

“In the end, no matter how our movie does or what people say, I will still ALWAYS LOVE CARMELA, my character in “Revirginized.””

Pinasalamatan din niya ang direktor ng kanilang pelikula na si Daryll Yap at ang kanyang leading man na si Marco.

“Thank you for her, Direk Daryll. Thank you Marco my Pawi – though short, really sweet – for helping me to relive my 20s in our scenes.”

“Thank you, dearest CARMELA – my alter-ego/“Sasha Fierce” – for taking me on an adventure unlike any I could have ever imagined I would be going on in my 50s! I’m a gaddam good ACTOR and darn PROUD OF IT! Hahahahaha! At sorry po Direk Daryll!!! Di mo po pinadala eh di pinost ko. Hahaha! Laaab yu! @vincentimentsofficial @gumabaomarco”

At may pasaring din siya sa kanyang mga bashers.

“At sa mga bashers, pag 55 na kayo at malapit lapit ang itchura nyo sa akin ngayon, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo! Hahahahaha!”

PHOTO: Instagram | Sharon Cuneta

Ilang mga netizens kasi ang nag-comment ng pagkadismaya nila dahil sa mga larawang kuha sa bagong pelikula ng Megastar.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Kung kailan tumanda na, saka gumawa ng ganyan.”

“Balak pala magpa-sexy sa movies, eh di sana noon pa niya ginawa.”

“Sikat ka na at mapera, pwede ka nang maging choosy sa mga pelikula mo, bakit ganyan pa? Basura!”

“Bakit ka pa tumanggap ng ganyan? Walang wala na bang offer?”

PHOTO: Instagram | Sharon Cuneta

At ngayon ngang nagsalita na siya tungkol dito, may ilan pa ring patuloy siyang binabatikos.

“Hindi ko issue ang paghuhubad o pagpapa-sexy mo, keri na yun. Ang di ko lang gets ay yung ganyang eksena na di mo naman ginawa dati.”

“Gagawa ng ganyan tapos pag na-bash, magagalit?”

“Alam mo namang kontrobersyal ang direktor, tapos ganun pa ang title, so what do you expect?”

“Dapat kasi inisip mo muna ang imahe mo at saka ng pamilya mo.”

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: