Ivana Alawi, dedma lang sa mga nang-iintriga sa kanila ni Hayden Kho

Marami ang nang-intriga kamakailan sa larawan na ipinost ng anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow sa Instagram account nito.

Sa nasabing larawan ay kasama nilang pamilya ang Belo endorser na si Ivana Alawi.

Sa caption nito, tinawag ni Scarlet na ‘mermaid’ si Ivana.

“Spent a day with the mermaid, @ivanaalawi and I realized I’ve never seen a mermaid that’s not pretty. All of them are beautiful and their skin flawless. I’m sure it’s the #BeloMermaidFacial”

Maraming netizens ang agad pumansin sa pagkakaakbay ni Hayden kay Ivana at agad na binigyan ito ng malisya.

“ung isang kamay ni doc hayden na kay ivana tas ung isa naman nasa pants nya lng di nya inakbayan si doc belo😂”

“Parang wala naman talagang mali pero parang my hindi rin kase tama. Ewan. Haha!”

“Bat sinama pa ang isa. U know na..”

“Sinong may kopya na? Papasa naman! Char!”

“Mali yung positions hehe kung dimo sila kilala masasabi mo talagang si Ivana at husband ni Doc. Belo yung mag-asawa. Just my opinion”

“syempre di nyo masisisi ung mga tao na mag iisip talaga ng di maganda parang di nyo naman alam ang issue ni doc hayden noon😂”

Dahil sa mga komento, muling naungkat ng mga netizens ang lumang issue na kinasangkutan ni Hayden noong 2009.

Matatandaang kumalat ang private videos niya kasama ang ilang model at celebrities na pinagpiyestahan sa internet.

Umabot pa noon sa Senado ang imbestigasyon at nagresulta ang nasabing kontrobersiya upang tanggalan siya ng lisensiya ng Philippine Board of Medicine.

Dahil dito, tila marami ang hindi pa naka-move on sa nangyaring eskandalo kahit na unti-unti nang napatunayan ni Hayden ang kanyang pagbabago sa kanyang buhay.

Sa comment section ng nasabing Instagram post ni Scarlet, marami rin ang nagtanggol kay Hayden at bumatikos sa mga nagbigay ng malisya sa nasabing larawan.

“I don’t really understand why there are some people who look at this photo maliciously. Come on, 2021 na. Widen your horizon instead of saying something like that. What you are doing is disrespectful, and I hope you realize what I’m trying to say here. By the way, I noticed that most of the people who posted their malicious comment on an innocent kid’s post are women. Girls, grow up. Choose carefully when and where to drop your opinion.”

“minsan nakakahiya maging pinoy dahil sa mga tao pinoy na nega😔”

“It really saddens me to see people commenting inappropriately. Please guys, there is nothing wrong in the picture and remember it is scarlet snow belo’s instagram account. Please delete inappropriate comments po.”

“i dont see anything wrong. mukha ngang panganay na anak ni doc hayden at doc belo c ivana at bunso c scarlet😍 looks like a family picture❤”

“You lot who are leaving malicious comments here ought to realize that such a thing you are doing is actually a reflection of your inner character & upbringing. Absolutely an utter embarrassment to your families esp.your parents. It’s the 21st century. The world is getting more and more progressive, yet here you are behaving like savages. Grow up!”

Samantala, tila dedma lang ang actress-vlogger na si Ivana sa mga nagbibigay ng ibang kulay sa nasabing larawan.

Sabi nga ng ilang tagahanga niya, di naman daw kasi kapatol-patol ang nasabing intriga at halata namang naninira lamang ang mga nagbibigay ng malisya.

Mas mainam pa raw na huwag na lang itong bigyan ng pansin para matigil na ang mga ito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: