Sunshine Cruz, umalma sa nagpapakalat ng malisyosong edited picture ng pamilya niya

Binatikos ng aktres na si Sunshine Cruz ang pagpapakalat ng edited picture ng kanyang pamilya.

Matatandaang kumalat kamakailan sa social media ang isang edited picture nina Sunshine kasama ang mga anak niya at ang boyfriend na si Macky Mathay.

PHOTO: Instagram | Sunshine Cruz

Ang orihinal na larawan ay kuha noong Mother’s Day at ini-upload ng aktres sa kanyang Instagram account.

Sa malisyosong version nito na kumalat sa social media, makikitang inedit ang mukha ni Macky at pinatungan ng mukha ng isang porn actor.

Ani Sunshine:

Sa mga hindi aware, Macky’s face was edited. Binago at ginawang porn actor. The comments as you can see are disgusting. Let’s not tolerate this kind of behaviour here on Facebook.

Sadly, it is so easy for others to say nasty things on social media. Which reveals the person they are. They must’ve forgotten na may mga babae din silang kapamilya.

I will never understand why people think making fun of other people is funny. No one has the right to humiliate others. What would you feel kung isa sa pamilya nyo ang gawing katatawanan?

It only shows the character na meron ang isang tao. Hindi ako humihingi ng respeto pero itrato nyo lang din akong tao. Pareho nyo nasasaktan din ako. Walang ginagawang masama ang pamilya ko kahit kanino.

Ibinahagi rin niya sa kanyang Facebook post ang screenshots ng mensahe ng ilang netizens na humingi ng paumanhin sa ginawa nilang pagshe-share ng nasabing edited picture.

Nagpasalamat din siya sa mga nag-report ng mga Facebook pages at accounts na nag-share ng nasabing larawan.

May mga nag message at apologize na sa pag repost ng edited picture ng pamilya ko. I hope this serves as a lesson to other guys out there. May nanay, asawa, kapatid o mga kamag anakan kayong mga babae. Let’s not forget that. Do not ever justify your wrongdoing and disrespect because of who or what I am.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: