Nag-viral ang isang Facebook post tungkol sa isang matandang tindera ng kakanin na tatlong beses nang nabibiktima ng pekeng pera.
Sa isang Facebook post, idinaan ni Mylyn Tupas ang pagkadismaya at pagkagalit sa gumawa nito sa kapitbahay na si Lola Liza Fineza.
Bagama’t 76-taong gulang na, kinakailangan pa rin ni Lola Liza na maghanapbuhay dahil may sinusuportahan itong tatlong apo.
Umaabot lamang daw sa 200 hanggang 300 piso ang kinikita nito sa loob ng maghapon kung kaya’t napakalaki ng epekto ng pagiging biktima nito ng pekeng pera.
Sa kuwento ni Mylyn sa kaniyang post, ipinambayad umano ng isang customer ang pekeng 500-peso bill sa binili nitong kakanin na nagkakahalaga ng 80 pesos.
shout out!!!! sa kung sino kamang babae ka na nang loko dto ky nanay liza, multuhin ka sana ng konsensya mo, ang kapal ng mukha mo, hindi kna naawa sa matanda binayaran mo ng pekeng 500 halos nanlumo yung matanda dhl nakuha mo ang puhunan nya nakakuha kna ng halagang 80 pesos na kakanin nasuklian kpa ng 420 pesos sa peke mong pera.
Hindi raw ito ang unang pagkakataon na naranasan ng matanda na mabayaran ng pekeng pera.
dios nlng bahala sau makita mo sana tong mukha ng matanda sa wall mo, tingnan moo kung gaano sya kalungkot, sa mga nang loko noon ky nanay liza tanda nio nmn siguro ang mukha ng niloko nio pangatlong beses na syang binayaran ng peke minsan mgka angkas daw sa motor hayy buhay kung sino pa mahirap sya pa niloloko maawa nmn kau, maliit lng tubo nya dyan tinangay nio pa, dios na bahala sainyo
Ibinigay rin ni Mylyn sa kaniyang post ang contact details ni Lola Liza para sa mga magnanais tumulong sa matanda.
Dahil sa nasabing post, maraming mga netizens ang nagmagandang-loob na magpaabot ng tulong — bagay na lubos na ipinagpapasalamat ni Lola Liza.
Bisitahin ang nasabing Facebook post dito.