ABS-CBN Primetime Bida, mapapanood na rin sa WeTV iflix

Mapapanood na rin ang “Primetime Bida” ng ABS-CBN sa WeTV iflix.

Ito ang inianusiyo ng ABS-CBN at WeTV iflix tungkol sa kanilang partnership.

Simula March 20 ay mapapanood na sa nasabing streaming platforms ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin, at “Huwag Kang Mangamba” na pinagbibidahan naman nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kyle Echarri.

PHOTO: ABS-CBN
PHOTO: ABS-CBN

Simula naman April 17, maidadagdag sa line-up ang “Init sa Magdamag” na pinagbibidahan nina Yam Concepcion, Gerald Anderson, at JM De Guzman.

PHOTO: ABS-CBN

Mapapanood ng mga subscribed users nang ‘two days earlier‘ ang mga episodes ng Kapamilya shows na ito.

Samantala, magiging available naman para sa lahat ang mga nasabing episodes matapos ang ‘two to three hours after their free-TV airing.’

Ayon kay Georgette Tengco, country manager ng WeTV at iflix sa bansa:

One of our main goals for this year has been to give our users the power of choice when it comes to their entertainment, especially now that we are spending more time at home.

Bringing excellent local content and compelling stories to you first is a big step in that direction, and we are excited to have ABS-CBN as our partner in this endeavor. We look forward to delivering more of the Primetime Bida shows in the years ahead, so do watch out for that.

Matatandaang una nang nakipag-partner ang ABS-CBN sa A2Z Channel 11 at TV5 para sa pagpapalabas ng ilang Kapamilya shows.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: