Netizens, kinilig sa “jowa reveal” ni Maris Racal

Kinilig ang mga netizens sa birthday greeting ni Maris Racal para kay Rico Blanco.

Sa Instagram post ng aktres, kasama ng pagbati niya ang isang larawan at isang maikling video clip.

PHOTO: Instagram | Maris Racal

Nilagyan lamang niya ito ng isang simpleng caption.

Makikita sa video na pareho silang kumakanta ng “Brighter Than Sunshine” ng Aqualung.

What a feeling in my soul / Love burns brighter than sunshine / Brighter than sunshine

Let the rain fall, I don’t care / I’m yours, and suddenly you’re mine

Suddenly, you’re mine / And it’s brighter than sunshine.

Screenshot: Instagram | Maris Racal

Kapansin-pansin ang malambing nilang tinginan habang kumakanta.

Sa comment section naman ay makikitang nag-reply si Rico.

Nag-comment din ang ilang malalapit na kaibigan ng dalawa.

Kabilang dito sina Alex Gonzaga, Miles Ocampo, Maja Salvador, Bela Padilla, Jane Oineza, Sue Ramirez, at iba pa.

Palaisipan tuloy sa mga netizens kung pag-amin na ba ito ng espesyal na namamagitan sa dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: