Robi Domingo, nahanap na ang ‘nawawalang kapatid’

Kinaaliwan ng mga netizens ang Instagram post ni Robi Domingo kung saan kasama niya sa larawan ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Ralph Malibunas.

PHOTO: Instagram | Robi Domingo

Kitang-kita kasi sa larawan ang malaking pagkakahawig nilang dalawa.

Sa simula pa lamang ng PBB Connect noong Disyembre ay marami na agad ang nakapansin at nagsabi na may pagkakahawig nga ang PBB host at housemate.

Sa comment section ng nasabing post ay marami ang nagbiro na si Ralph nga ang nawawalang kapatid ni Robi.

May ilan pa nga na nagsabi na pupwedeng kambal ang dalawa.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens.

At sa ginanap na PBB Big Night noong Linggo, March 14, ay mas lalong nangibabaw ang pagkakahawig ng dalawa.

Sa isang skit kasi sa programa, si Robi mismo ang nag-impersonate kay Ralph.

Ini-spoof niya ang ilang eksena ni Ralph sa loob ng bahay ni Kuya.

Ano ang masasabi mo dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: