Catriona Gray, ipinaliwanag ang umano’y maling announcement of winners sa Binibining Pilipinas 2022

Nagsalita na si Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa espekulasyon na may nangyaring pagkakamali sa announcement of winners sa katatapos na Binibining Pilipinas 2022.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang isang behind-the-scene video kung saan makikita na tila nagkakaroon ng diskusyon ang isang staff at ang mga hosts na sina Catriona at Nicole Cordoves.

Napansin din ng ilang viewers na nagkaroon ng mahabang ‘pause’ bago pa i-announce ang nanalo bilang Binibining Pilipinas-International.

Maging ang ilang celebrities ay napansin ang mahabang interval sa nangyaring announcement.

Hinala ng ilan, baka nagkaroon ng ‘Steve Harvey moment’ kung saan mali ang nai-announce na panalo.

Matatandaan na noong 2015 ay nagkamali si Steve nang i-announce na panalo bilang Miss Universe 2015 si Miss Colombia Ariadna Gutierrez sa halip na si Pia Wurtzbach na siyang tunay na nanalo.

Sa isang Instagram post kagabi, August 1, ay nagsalita na sa isyu si Catriona.

Sinabi niyang tama ang pagkaka-announce ng mga nanalo base sa cards na ibinigay sa kanila.

“As the hosts of last night’s Binibining Pilipinas 2022, @binibiningnicolecordoves and I announced the winners accordingly based on the titles printed on the individual title cards as these were handed over by SGV & Co. partner and representative, Mr. Ocho.”

Dagdag pa niya, muling tsinek ang mga cards matapos ang deliberasyon sa mga nanalo.

“As a member of the overseeing committee during the deliberations (as pictured on slide 4 by BPCI Execom member @laraquigaman), Mr. Ocho later rechecked the cards and confirmed that the results previously announced were correct, which became the decisive factor in moving forward with the announcement.”

At bilang mga dating kandidata, alam daw nila ni Nicole ang nararamdaman ng mga kandidata sa gabing iyon kung kaya naman agad nilang itatama ang anumang pagkakamali kung nagkaroon man.

“As former candidates ourselves, we understand what the girls go through and would, therefore—without a second thought—correct any errors, if any were made.

“But as already explained, SGV & Co. partner and representative Mr. Ocho himself confirmed the validity of the results.”

Sa huli, binati niya ang mga nakasungkit ng korona sa gabing iyon.

“Let’s celebrate our Queens who are wearing their rightful crowns 👑 👑👑👑

“Congratulations to our new @bbpilipinasofficial Queens! I’m so excited to witness your journeys and I know you will make our country proud!! 🇵🇭“

* * * * * * * * * *

Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at  viral issues by following us on our social media accounts!

Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!