Mabilis na kumalat sa social media kamakailan ang screenshot ng sinasabing tweet umano ng aktres na si Andrea Brillantes.
Sa isang tweet na bagama’t walang tinukoy na pangalan, sinabi ng ilang netizens na tila patungkol ito sa resulta ng katatapos na eleksyon.
Ayon sa kumalat na tweet: “Seriously people??? Nasan mga ut*k nyo???”
Matatandaang isa ang aktres sa mga lantarang sumuporta at nangampanya sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo.
Bagama’t wala pang official proclamation, malaki na ang lamang ng dating senador na si Bongbong Marcos (BBM) sa bilangan ng boto sa pagkapangulo.
Dahil sa nasabing tweet, nag-react ang ilang supporters ni BBM bilang pagtatanggol sa sinuportahan nilang kandidato.
Narito ang ilan sa mga naging reaksiyon nila tungkol sa nasabing tweet.
Dahil sa pagdagsa ng mga negatibong komento, naglabas ng official statement ang management ng aktres.
Pinaalalahanan nila ang publiko na maging maingat sa mga ibinabahagi nila sa social media.
Peke o edited umano ang ilang tweets na kumakalat at sinasabing galing sa aktres.
Narito ang kabuuan ng pahayag ng Aguila Artist Management.
“May mga kumakalat na malisyosong tweets diumano mula sa aming artista na si Andrea Brillantes ngayon sa social media.
“Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay peke o edited.
“Nananawagan kami sa publiko na maging mas mapanuri lalo na sa pag-share nito sa kani-kanilang accounts.
“Pinaalalahanan din ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad nito ay saklaw ng kasong cyber libel at may karampatang parusa.
“Mabusisi itong minomonitor ngayon ng aming legal team para sa kinauukulang aksyon.”
The public is reminded to be mindful of what they share online #fightdisinformation #notocyberbullying #andreabrillantes pic.twitter.com/CJaTjBuSZF
— Aguila Artist Management (@aguilaartists) May 13, 2022