Bumwelta ang showbiz writer na si Lolit Solis laban sa kanyang mga bashers.
Matatandaang kamakailan ay tinuligsa ng netizens ang kanyang isinulat tungkol sa mag-asawang sina Alex Gonzaga at Mikee Morada.
Ibinahagi niya sa isang post ang balita na nakunan umano si Alex.
Itinatago umano ito ng mag-asawa sa publiko dahil gusto ng mga ito na gawin itong content sa YouTube channel ni Alex.
Tinawag pa ito ni Lolit na ‘very petty’ dahil gusto umanong pagkakaitaan ng mag-asawa pati ang malungkot na balita.
Una nang umalma ang mister ni Alex.
Nagkomento si Mikee sa nasabing Instagram post ni Lolit at humingi ng respeto mula dito.
Pinagsabihan din nito si Lolit na huwag gumawa ng kuwento tungkol sa kanila.
Sinagot naman ito ni Lolit sa isa pang Instagram post at humingi ng paumanhin sa mag-asawa.
“…gusto ko maging clear sa lahat na never ko ginusto na maka offend o makasakit ng tao.”
Ikinatwiran pa niya na ginagawa lamang niyang ‘mental exercise’ ang pagsusulat sa Instagram.
“Sa edad ko lalo na ngayon pandemic na madalas ang lock down, quarantine, at wala ng mga activities na tulad ng presscons, nag enjoy ako sa IG.
“Dahil ayoko lang na ma idle ang utak ko sa katutulog, at walang ginagawa, naging mental exercise ko na ang IG na ginagawa narin column ni Salve.”
“Never ever ko nasa isip ma may masaktan , ma offend, o magalit dahil lang sa posting ko sa IG o sa column ko sa PSN at PM.”
Matapos humingi ng paumanhin ay bumwelta ito sa mga bumatikos sa kanya.
“Duon sa nagsasabi na tsismosa ako, mukhang pera, b*bo , I agree.
“Siguro nga iyon ang binigay kong image sa tao, iyon ang nakita nila. No problem.”
Mas importante raw sa kanya ang mga taong nakakakilala sa kanya.
“Dahil ang importante lang sa akin iyon pagmamahal at respeto ng taong kilala ko.
“Iyon nakasama ko, iyon nakaka usap ko.”
Wala na raw siyang pakialam sa mga sinasabi ng mga hindi naman niya kilala.
“Keber ako sa mga comments ng tao na hindi ko nakilala, nakausap or nakasama.
“They can call me names, disrespect me, hate me for all they want, ok lang sa akin.
“What is important is umabot ako sa edad na ito na hangga ngayon ay nagtataka ako kung bakit marami parin nagri react o apektado ng isang matandang babae na tsismosa, mukhang pera at bobo.
“Di ba dapat keber na sana sila sa akin ? Hindi ba dapat hindi na lang ako pansinin ?
“Hindi ba dapat persona non grata na lang ako?”