Usap-usapan ngayon ang pagkakabisto ng Facebook group na may pangalang “Online Kopyahan” na ginagamit umano ng ilang estudyante upang makapandaya sa pagsasagot sa kanilang module at online exams.
Mayroong halos 700,000 na miyembro ang nasabing Facebook group.
Base sa ulat ng GMA News, mapapansin na karamihan ng miyembro ng nasabing group ay mga estudyante na nagbabahagi ng mga sagot sa kanilang modules matapos itong ma-check ng kanilang mga guro.
Ang ilan naman ay sinasabing mga module noong nakaraang taon ang ibinabahagi sa grupo dahil ito rin naman daw ang ginagamit ngayong taon.
Sa pahayag ni Department of Education undersecretary Diosdado San Antonio, labis daw niyang ikinababahala ang ‘online kopyahan’ na ito.
Inalmahan na rin daw ito ng mga guro at magulang mismo.
Sa kasalukuyan ay burado na raw ang nasabing Facebook group at pinaiimbistigahan na sa NBI.
Katwiran naman ng ilang netizens, hindi raw basta-basta maiiwasan ang pandaraya, online man o sa personal.
Sa katunayan nga raw ay mga magulang o di kaya’y kapatid ang nagsasagot ng module ng ilang mga mag-aaral.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens hinggil dito (published as is).
“Magpakatotoo tayo, hindi naman talaga mga bata ang sumasagot sa module dahil hindi rin nila maintindihan.”
“Ang pagtuunan nyo ng pansin ay solusyon, hindi yang imbestigasyon pa na yan.”
“Itanong nyo muna kasi kung bakit ba nagagawa yang ganyan? Ano bang pagkukulang nyo, ganun!”
“The problem with them is hindi nila inaalam ang cause kung bakit nagagawa yon ng mga student. Paanong hindi magkokopyahan ang mga student kung hindi naman nila naiiintindihan ang mga lesson?”
“Online kopyahan, bakit kaming mga parents na sumasagot sa mga modules dnyo papaimbestigahan, yon ang katotohanan wag na kau hugas kamay mga biset kau”
“Unahin nyo yung sa DOH.”
“deped wag nyo nang hanapin yung nag kopyahan “magisip kayo ng solusyon” sa problema hindi yung maghanap ng masisisi”
“Di niyo nga mahuli nagnakaw sa philhealth at sa DOH ..yong nangupya pa kaya?”
“Kabob0han ever mga magulang nga ang nag sasagot ng modules ng mga bata, tapos sasabihin nyo hindi kukunsintihin.”
“Kung sana man lng kasi nag eexplain ng lesson ang mga teacher diba kahit konti man lng .. Kaso wala sariling sikap ng mga magulang para matuto ang mga bata ..”
“Yun mga magnanakaw nga sa gobyerno na lantaran na hindi mahuli eh”
Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?