Umani ng batikos ang isang lalaking guro matapos kumalat sa social media ang video recording ng kanyang online class kasama ang ilang estudyante.
Unang kumalat ang recording sa TikTok at ngayo’y kumalat na rin sa Facebook.
Ayon sa mga komento, isang estudyante umano ang nag-screen record ng nasabing klase.
Maririnig ang isang estudyanteng babae ang nagtanong sa guro.
“Paano po sir kapag wala talagang pambili ng laptop?”
Agad naman itong sinagot ng guro.
“Mag-drop… I suggest mag-drop.
“Kung ang problema sa pag-aaral ay walang internet, walang pambili ang nanay, walang pambili ang tatay, mag-drop.”
Nagpatuloy pa ang guro sa mga prangka nitong payo sa kanyang mga estudyante.
“Wag nang mag-aral. Ganun lang.
“Kung lahat pagbibigyan ang katwiran, walang mangyayari sa atin.”
Sinabi rin ng estudyante na may ilan silang kaklase na hindi makapasok sa online class dahil sa mahinang signal sa mga lugar nito.
Sumagot ulit ang guro at sinabing mag-drop na lang ang mga ito.
Mabilis na nag-viral ang nasabing video at umani ng views mula sa netizens.
Kabi-kabila rin ang komento na dumagsa sa video.
Narito ang ilan sa mga nasabing komento (published as is).
“REAL TALK yan, online class diba bat pilitin talaga mag enroll if wala pa laptop and net! panu pag behind ka sa class, anu matutunan mu?”
“Nakakalungkot talagang isipin na sa panahon ngayon parang pati ang edukasyon ay para nalang sa mga mayayaman at may kaya sa buhay.”
“Ako nga laging walang load, nakiki connect ako sa kapit bahay namin na meron internet.”
“hindi nyo po kilala si sir pranka po sya magsalita pero in person sobra po nyang bait promise . engr subject tinuturo ni sir d pwdeng wala ka talagang sarling laptop may autocad dyan”
“May point naman yung teacher ehh”
“Specific naman yung sinabi nya na kung wala talaga mag drop nalang”
“Just take that as a challenge nalang”
“Ang kpal nang mukha ng guro na to ang galing galing. Dapat sayo tintnggal sa serbisyo.”
“They don’t get the point here. True Naman na mali yung pagsabi na pagdrop. Pero Sana consider din yung sabi nung teacher. Kung face to face classes yan. More gastos. More haggard.”
“Ang teacher na 2nd parent sa mga anak mag suggest to drop na lng… Wala na bang ibang way para maka sabay… Imbes na encourage yun student mag drop na lng.”
“kawawa naman, mga teachers nga nanghihingi ng pondo para may laptop. paano naman yung mga walang wala talaga? hindi kayo naaawa talaga? gusto lng kasi niya mag aral.”
“may katwiran naman ung guro. e panu ka nga naman mag aaral ng online class kung wala ka gadget..”
“Kakalungkot ang mindset nyo sir. Dapat kayo ang mag inccurage sa mga mag aaral na magpatuloy sa pagaaral sa kabila ng nagyayari sa mundo”
“Grabe nman po ang gurong ito naturingan ka pa nman guro tapos yan ang sasabihin u sa estudyate nyo na sa kagustuhan mag aral khit papano nagsisikap makakonek tapos ganyan kau”
“Ung edukado kang person pero ikaw pa ung nag dadown sa isang tao. You have point po teacher pero ung salita mo ay hindi tama mas lalong mong dinadown ung ung student mo po.”
Panoorin dito ang nasabing viral video.