Labis na ikinabigla at ikinalungkot ni Allan Padua o mas kilala bilang Mura ang balita ng biglaang pagpanaw ng kaibigan nitong si Noeme Tesoro o Mahal.
Pumanaw si Mahal noong Martes, August 31, sa edad na 46.
Matatandaang ilang linggo pa lamang ang nakalilipas nang dalawin si Mura nina Mahal at ng kaibigan nitong si Mygz Molino sa Albay upang kumustahin at abutan ng kaunting tulong.
Muling nag-viral sa social media ang video ng nasabing pagdalaw kung saan makikita ang madamdaming pag-uusap ng dating magka-partner sa showbiz.
Inisa-isa ni Mahal ang mga nais na ibigay na tulong kay Mura.
“Kapag halimbawa nawala ako sa mundo, mayroon akong konting naitulong sa iyo.”
Mahal’s cryptic message to Mura recently. RIP MAHAL. You’ll be missed. 😩🙏😥 pic.twitter.com/pykQwTIXUw
— Chu Paquer⭕️ (@EdChulo) August 31, 2021
Sabi tuloy ng ilang netizens, tila ang pagtulong kay Mura ang isa sa mga naging huling misyon sa mundo ni Mahal.
Ilang linggo lamang kasi matapos ang pagkikita nilang iyon ay pumanaw na ito.
Sa video na ini-upload ng vlogger na si Virgelyncares 2.0 kahapon, September 1, umiiyak na ibinahagi ni Mura ang kanyang damdamin sa biglaang pagpanaw ng kaibigan.
“Hindi nga ako makatulog masyado. Nagbigla ako.
“Hindi ko alam, hindi ako naniniwala e, hanggang ngayon.
“Hindi talaga ako naniniwalang si Mahal patay na.
“Hindi naman ata totoo ‘yan fake news naman ata ‘yan e.”
Nagpaabot rin siya ng mensahe para sa pamilya ni Mahal.
“Sa mga pamilya ni Mahal, lubos akong nakikiramay sa inyo.
“Hindi lang ako makapaniwala na si Mahal wala na.
“Sana, kung sakali man, makapunta ako diyan sa inyo, madamayan ko man lang kayo sa pagdadalamhati niyo, (makita) kaibigan ko.
“Pasensya na kayo, malayo ako e. Kung malapit lang ako, nandyan din ako, karamay niyo.
“Nakikiramay ako sa inyo, family Tesorero.”
Panoorin ang video dito.
Agad na umani ng reaksiyon mula sa netizens ang nasabing video.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
“Kawawa din talaga si mura masakit din talaga sa kanya pagkawala ni mahal. matalik silang kaibigan at matagal din nagkasama.kaya mura magpakatatag kadin.kahit nasan c mahal ggabayan padin kayo.”
“Solid pagkakaibigan nilang dalawa.. nakakadurog ng puso na kelan lang talagang nag effort si Mahal na makita si Mura, tapos sandaling panahon lang nawala agad siya..”
“Sobrang lungkot nya huling pagkikita na pla nila yun ni mahal,khit paano nkaabot parin ng konting tulong sa kanya n labis n kinasaya ni mura..”
“kawawa tlaga din c mura dahil madami pa sana plano c mahal para sa kanya at tutulungan pa sna sya ni Mahal na e chemotherapy ang paa ni mura.”
“hinde biro ung mawalan ka ng kaibigan lalo na kung matagal Ang pinagsamahan… Cno ba nman Mag aakala na Ang taong masayahin palatawa ei biglang babawiin ni God ang buhay.”
“Keep on praying mura sana hipuin ni lord ang iba artista na malapit sa puso mo n tulungan ka at gabayan ka mura”
“Sana may tutulong parin kay mura kahit wala na si mahal..at sana may taong magdadala sa kanya makita man lang si mahal sa huling sandali..sana sa mga artista jan na may mabuting puso..tulungan niyo naman si mura”
“Masakit talaga mawalan ng tunay na kaibigan…. yung kasama mo pa lang sya tapos bigla mababalitaan mo na lang pumanaw na… parang pakiramcam mo gusto mong maglupasay sa hinagpis na nararamdaman.”