Hindi pinalampas ni Korina Sanchez ang isang netizen na nag-iwan ng isang negatibong komento sa isa sa mga Instagram posts niya.
Nag-post kasi si Korina ng ilang larawan tungkol sa pamamahagi nila ng tsinelas sa ilang mga bata sa Malolos Bulacan.
Matatandaang isa ito sa mga naging proyekto ng programa niya noon sa ABS-CBN na Rated K at ipinapapatuloy naman niya ito ngayon sa Rated Korina.
Aniya sa caption ng post:
“I saw the child running on the hot pavement barefoot, andumi ng paa, parang hindi napapaso ang talampakan. Pero nakatawa parin. I remember Pepe en Pilar and I couldn’t imagine them this way.
“Well that’s why Rated Korina continues where Rated K left off. We were in Malolos, Bulacan today. Si Neil, yung bata, nakatitig sa bago niyang tsinelas. Parang di makapaniwala. 150 children went home with a big smile today. Tsinelas lang pero anlaking bagay.
“If you have space in your heart for these kids, we accept donations of rubber slippers for children 2-12 years old and we can pick up. We. Will make sure your kindness reaches those where the help greatly matters. And to those who have donated, THANK YOU. This is what we get to do because of people like you.”
Sa post na ito, nagkomento ang isang netizen at sinabing puro mumurahing tsinelas ang ipinamimigay nila.
Narito ang buong komento ng nasabing netizen (published as is).
“Bakit puro mumurahin tsinelas lang binibigay hindi ba pwedeng maayos at matibay na sapatos yun tatagal gamitin. Magbibigay din lang kayo yun mapapakinabangan at pangmatagalan na.”
Agad naman itong sinagot ni Korina at sinabing:
“Kapal mo. Gumastos ka nga para sa milyon milyon bata?”
Nakakuha naman ng mga kakampi si Korina mula sa ilang netizens na nagtanggol sa kanya.
Narito ang kanilang mga komento.
“puro ka reklamo may naiambag kaba? Yng tabas ng dila mo halatang di ka pinalaki ng mabuting asal…”
“e di magbigay ka po.. Kung yan ang gusto mo.. Yun lng nakayanan nila eh from the heart yun.. Kaw from your mouth reklamo wlang ambag.”
“kasi po mas practical ang tsinelas para sa mga pinoy lalo na sa mga bata. Ngayon pong pandemya, saan naman po nila gagamitin ang sapatos? At ang tsinelas, hindi kailangang mahal ang presyo. Basta maayos, bago, at komportableng gamitin, masaya na po ang mga nabibigyan. Sana makita ninyo ang tuwa at ningning sa mata ng bawat batang nabibigyan ng bagong tsinelas.”
“bakit Di mo umpisahan sa pagdodonate. Imbes na kinukwestyon mo ang pinamimigay. Kapal mo din noh.”
“ang dami mong satsat ikaw ba may nabigay ng tulong sa kahit sino man… kung gusto mong tumulong mag bigay ka wag panay dada…”