Patuloy na humahakot ng views ang trailer ng pelikulang ‘Silab’ na idinirek ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.
Sa trailer pa lang kasi ay hitik na sa mapapangahas na eksena ng tatlong bida na sina Jason Abalos, Marco Gomez, at Cloe Bareto.
Bagama’t baguhan, hindi ito naging hadlang kay Cloe para ipakita ang angking kaseksihan sa mga maiinit na eksena.
Kabilang sa mga eksenang pumukaw ng atensiyon ng mga manonood ay ang pagdakma niya sa harapan ng shorts ng asawa niya sa pelikula na si Jason.
Biro nga ng ilang netizens, sana raw ay sila na lang ang nasa papel ni Jason.
Ilan pa sa mga mapangahas na eksena na ipinakita sa trailer ng pelikula ay ang pagpapakita ng kahubdan nina Cloe at Marco.
Sa isang eksena ay walang saplot ang dalawa at buong-tapang na ibinuyangyang ang kanilang katawan.
Ang mga seksing eksenang ito ang sinasabing dahilan para patuloy na pag-usapan ang pelikulang ito ng 3:16 Media Networks na mapapanood sa Vivamax simula July 9.
Samantala, panay papuri ang ipinaabot ng direktor na si Joel Lamangan sa bida ng pelikula na si Cloe.
“Iba siya, malalim siya. Para siyang hindi baguhan sa pag-arte. Mahusay yung bata. Kapag nabigyan pa siya ng maraming pelikula siguradong marami pa siyang ipapakita.”
Hinangaan din niya ang tapang nito sa mga daring na eksena sa pelikula.
“Wala rin siyang kaarte-arte sa ipinapagawa ko. Yung mga inhibitions niya kinalimutan niyang lahat kaya napakadali niyang katrabaho. Para siyang si Jaclyn Jose nu’ng nagsisimula pa lang siya noon sa Private Show.”
Ikinatuwa rin ng direktor ang patuloy na pagdiskubre ng mga bagong mukha sa showbiz.
“Kailangan natin ng mga bagong mukha, bagong artista, mga promising actors kasi kung hindi natin sila bibigyan ng chance, eh, mamamatay ang industriya natin.
“Karamihan sa mga artista natin ay matatanda na, kailangan natin ng bago, pero yung mga baguhang promising at nakakaarte, ha. Huwag yung feeling nila, eh, ang husay-husay na nila pero hindi naman makaarte sa harap ng kamera.”
Ikinatuwa rin niya na bagama’t may pandemya ay patuloy pa ring nakakagawa ng mga pelikula.
“Mabuti nga may mga ganito pang pelikula kahit pandemya, di ba? May mga film producer pang sumusugal at nagbibigay ng chance sa mga baguhan.
“Kaya sobrang thankful din ako kasi meron akong ginawa, tapos instrument pa ako kahit paano para makilala yung mga deserving na baguhan na may mga karapatan.
“Kailangan nating magtulungan. Kailangan nating mag-discover and I’m proud na ako ang unang naging director ni Cloe.”
Samantala, maraming netizens ang patuloy na nagkokomento sa trailer ng nasabing pelikula.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Dakot kung dakot talaga. Hahahaha”
“Grabe kung makapaghubad. Parang wala nang bukas.”
“Ang tagal namang ipalabas. Nakakabitin. Haha”
“Naalala ko tuloy ang mga usaong pelikula noong 90s.”
“MTRCB left the group.”
“Ang tapang! Kitang-kita na. HAHAHA”
“Nakailang pause na ko, di ko matyempuhan. hahahahaha”
“Ang sarap naman dumakma. Gaano kaya kalaki ang nahawakan?”
“Kung ako yung dinakma, galit agad yun. HAHAHA”
“Ang sarap talagang maging artista. Hehe”
Panoorin ang trailer ng nasabing pelikula dito.