Almusal pantry na may kakaibang hugot, kinaaliwan ng mga netizens

Kinaaliwan ng mga netizens ang isang community pantry na may kakaibang pakulo.

Sa Facebook post ni Christine Mae Norombaba, ibinahagi niya ang ilang larawan na kuha sa isang community pantry sa Barrio Obrero, Manila.

PHOTO: Facebook | Christine Mae Norombaba

Base sa mga larawan, makikita na para sa lahat ang tinawag na “almusal pantry.”

Para sa mga riders. Drivers. Nawalan ng trabaho. Hindi nakapagtrabaho dahil nagkasakit. At walang ayuda.

Para din sa mga single. Mga malungkot. Mga niloko at iniwan. Pwede na din sa mga chismosang kapitbahay.

PHOTO: Facebook | Christine Mae Norombaba

Ayon sa nagtayo ng nasabing community pantry, nanggaling ang ideya sa mga masisiyahing volunteers nila.

By nature masayahin na kaming mga tao, kasama lahat ng mga nagtayo nito, and gusto namin mag-spread ng good vibes sa umaga through almusal pantry.

Naging patok naman ang gimik na ito dahil sa dala nitong good vibes.

‘Yung sa pagpila pa lang masaya na sila, hindi sila ma-iinip sa pagpila, tapos habang kumakain ay masaya sila. We just want to make people happy in the midst of this pandemic.

PHOTO: Facebook | Christine Mae Norombaba
PHOTO: Facebook | Christine Mae Norombaba

Ang biruan nga raw ng mga residente ay dapat silang pumila sa kung saan ghugot lines sila nakaka-relate.

Nagtatawanan na po ‘yung mga tao and nagbibiruan kung saang pagkain na may hugot sila dapat.

Apektado naman daw ang iba dahil sa mga hugot lines.

‘Yung iba po nagagalit kasi apektado kaya dinadagdagan nalang po namin ang takal sa kanila.

PHOTO: Facebook | Christine Mae Norombaba
PHOTO: Facebook | Christine Mae Norombaba

One-day event lamang daw ito noong April 30 ngunit pinag-iisipan na rin ng mga volunteers na tumanggap ng donasyon upang maipagpatuloy ang nasimulan.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!