Binweltahan ni Pokwang ang mga bashers niya sa Twitter matapos pintasan ang kaniyang pisikal na anyo.
Aniya, ang kapangitan niya ang nagpaganda ng kanilang buhay.
halata mo mga BOBO kapag ang atake na sa opinyon mo ay personal nandyan ang tawagin kang pangit, chaka, etc. excuse me ang kapangitan ko ang nagpaganda sa buhay ng pamilya ko at mga nagtatrabaho sa aking negosyo na binubuhay ang pamilya nila na natulungan ng kapangitan ko e ikaw?
Hindi ito ang unang pagkakataon na sumagot ang komedyante sa kaniyang mga bashers.
Maraming beses na rin niyang hindi pinalampas ang mga nag-iiwan ng mga hindi magagandang komento sa kaniyang mga posts sa social media.
Kamakailan lang ay hindi rin niya napigilan ang sariling sagutin ang isang netizen na nagsabing bumaba ang respeto nito sa kaniya dahil naging ‘political analyst’ umano siya.
Idiniin ni Pokwang na lahat ng mga Filipino ay may karapatang maglabas ng opinyon sa nangyayari sa bansa.
lahat ng Pilipino may karapatang mag labas ng saloobin lalo na kungbpamilyado kang tao! neng pilipino ako!! ikaw ba? may pamilya kana ba na apektado ng pandemiang ito? isa kana bang ina? ina man o ama o hindi pa lahat tayo apektado kapag mali ang nangyayare! Boses ko ito paki mo!
Hindi rin niya inurungan ang isang nagsabi na maging law-abiding citizen na lang siya para makatulong.
Ang bwelta niya:
so yung tax na binabayad ko hindi ako nakakatulong? GAG*!!!!
Kilala ang komedyante sa pagiging vocal niya sa iba’t ibang issues sa showbiz man o politika.
At ngayong ang kaniyang pisikal na anyo naman niya ang pinupuntirya ng mga bashers, ay mas lalo siyang hindi nagpapigil na magbitiw ng mga salita.
Ano ang masasabi mo tungkol dito?